"Philippines here I come," bulong ko sa hangin habang pasakay sa eroplano na magdadala sa'kin sa sariling bansa.Excited ba ako? Syempre. Ang tagal ko ding nawala at miss ko na din ang Pilipinas lalong lalo na ang aking nag-iisang bessy.
Mag-isa lang akong uuwi, ang parents ko kasalukuyang nililibot ang Europe. Travel goals daw.
Umupo ako sa nakalaang upuan para sa'kin. Hindi din naman nagtagal at nagsimula na din tumakbo ang eroplano hanggang sa unti-unti na itong umangat. Humugot ako ng hangin at saka pumikit.
This is it.
Pagkatapos ng mahabang oras sa byahe. Finally umapak na ang paa ko sa destinasyon. Ganito pala ang pakiramdam pag matagal kang nawala at pagkatapos ay uuwi. You'll feel home. Kahit sabihing hindi mo naman talaga pagmamay-ari ang mismong lugar na tinatapakan mo at hindi mo mismo kilala ang mga tao sa paligid, you would still feel home. There is more confidence kasi alam mong dito ka nagmula.
Dala ang mga bagahe ko, sumakay ako ng taxi. Sinabi ko ang address ng Pick'a Pet shop sa driver. Yes. Kila bessy ako didiretso. Actually dun muna ako tutuloy. Though it will be a surprise kasi hindi naman niya alam na ngayong araw na ito ako uuwi.
Habang umaandar ang taxi di ko maiwasang igala ang paningin ko sa labas ng bintana.
Ito ang unang gabi ko ulit sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang taon.
Dahil sa traffic medyo nagtagal din ako sa taxi. Napasalamat ako ng matanawan na ang Pick'a Pet shop.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang harap ng shop. Nakakatuwa dahil maraming mang pinagbago deep inside alam mong ito pa rin yung iniwan mo. Ito pa rin yung dati. Hindi pa rin nagbabago.
I'm talking about the shop. Yes, the shop.
Sarado na ang shop. Napansin ko pa ang isang magandang sasakyan bago ako dumiretso sa hagdan paakyat sa bahay.
Parang gusto kong maluha ng marinig ang boses nila tito Johnny, tita Caroline at si bessyyy!
Kakatok sana ako pero sinubukan ko muna ang doorknob kung locked ba o hindi. At dahil hindi, hindi na ko kakatok para surprise talaga.
Dahan- dahan ko pinihit ang doorknob at dahan-dahan ding pumasok. Natanawan ko agad silang nasa hapag at kumakain.
"Surprise!" panggugulat ko. Natigil sila sa pagkain at sabay-sabay na tumingin sa akin.
Tiningnan ko din silang lahat na nakaupo. Si tito Johnny na parang walang nagbago, si tita Caroline na tulad ni tito parang hindi nadagdagan ng edad sa dumaang dalawang taon.
Sunod na naglakbay ang mga mata ko kay King na kasama nila sa hapag. Di kaya. Grabe walang kupas. Mas lalo pa atang gumwapo, mas lalo pa atang kumisig at mas lalo pa atang lumakas ang dating. Si King talaga.
Pumatak naman ang aking paningin sa aking bestfriend na nakabawi na sa gulat at palapit na sa'kin ngayon. Sa kanyang mga braso ay ang kanyang baby na pagkaganda- ganda at pagkacute-cute.
"Bessy!" naluluha kong sambit. Di ko na napigilan pumatak na ang luha ko. Bestfriend ko yan e at parang kapatid na nga tapos dalawang taon kaming hindi nagkita!
Marahan akong yumakap sa kanya para hindi maipit si baby. Pumilit din naman siyang gumanti ng yakap kahit na may bata sa kanyang mga kamay.
"Ikaw babae ka bakit hindi ka nagsabing ngayon ka dadating?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sakin.
"Ayoko kasing sunduin mo ko sa airport dahil alam kong busy ka." Nilaro-laro ko ang kamay ni baby Kitty at mukhang natutuwa naman ito dahil ngumingiti.
BINABASA MO ANG
The Changed Man
Romantik(A short story) Brent and Lily's journey in losing each other and finding each other again.