When She Works

150 7 0
                                    


"Listen to advice and accept instruction, and in the end you will be wise."- Proverbs 19:20

* * * * * * *

Maaga akong gumising kasi alam kong magiging mahaba ang araw ko. Ngayon ko na sisimulan ang mga dapat gawin sa itatayo kong business. Ayaw ko ng magtagal pa, gusto kong masimulan na ito agad-agad. Isa pa hindi naman ito sobrang biglaan. Matagal tagal na din ang plano kong pagbubukas ng flower shop.

Naligo, nagbihis at nag-ayos na ako bago pa man lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita kong nakabihis na din si bessy para sa pagpasok niya satrabaho.

"Sabay na tayo mag-almusal," yaya ni bessy sakin.

"Si Kitty?" tanong ko. "Tulog pa?" Siguro ay natutulog pa dahil ganun naman ang mga sanggol palaging tulog.

"Tulog pa," pagkumpirma ni bessy. "Nandoon si mommy sa kwarto. Siya muna maiiwan kay Kitty."

Nagsimula na kami kumain ni bessy. Kanin at ulam sa kanya ako naman ay pancakes. Medyo naging mahilig na rin ako sa mga ito. Dahil madalas may kasamang pancakes ang almusal namin sa US.

"Hindi kita masasamahan sa mga gagawin mo ngayong araw. Hindi na ako pwedeng lumiban eh," baling ni bessy sa'kin.

Umiing ako sa sinabi niya, "kaya ko na yun. Don't worry bessy."

Medyo napaisip naman ako sa sinabi niya. "Alam mo bessy kung ako sa'yo dun ako magwowork sa Ford. For sure pwede ka umabsent anytime, boss boss ka pa dun."

Umismid si bessy sa sinabi ko. "Tinatry ko nga di ba na gumawa ng ako lang at hindi naaassociate sa Ford tapos doon ako magwowork. Ano yun!"

"E bessy palagi ka naman talaga maassociate sa Ford dahil ang boyfriend mo ay si Hunter William Ford tapos mommy at daddy na rin kayo ngayon," pahayag ko.

Ngumuso at umirap sa'kin si bessy. "Kaya nga kahit sa hanapbuhay ay makapag-sarili naman ako."

Tumigil na rin ako sa sinasabi dahil naiintindihan ko kung saan nanggagaling si bessy. Kahit naman malakas yan at kadalasan walang pakialam sa sinasabi ng ibang tao ay alam kong naaapektuhan na din siya sa palaging pangmamata at at paghahanap ng mga tao ng maipipintas sa kanya para lang ipakita ang pinapaniwalaan nilang hindi siya nababagay kay King. Hmmp! As if naman! Kahit si bessy pa ang isipin nilang pinaka-undeserving kay King wala silang magagawa dahil hindi lang mahal kundi mahal na mahal na mahal ni King si bessy.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami ni bessy. Pinahiram sa'kin nila tito ang sasakyan nila at hinatid ko si bessy. Nakakatawang isipin na ako pa talaga ang naghatid kay bessy. Bihira lang pala kasi talaga niya dinadala sa trabaho ang sasakyan nila dahil palagi na siya ngayong sinusundo ni King. May pagkakataon daw kasing naisabay siya ng boss niya pauwi. Hindi daw nagustuhan ni King.

Pagkahatid kay bessy ay nagmaneho ako para magtingin-tingin ng magandang lugar para pagpwestuhan ng shop. Habang nagdadrive nananalangin ako na dalhin ng Panginoon sa lugar kung saan pinakaperfect na pagtayuan ko ng flower shop.

Nag-ikot ikot ako at nakikipag-usap sa mga may ari ng mga building na nakita kong posibleng pwestuhan hanggang sa nakakita ako ng pinaka-nagustuhan ko at naging maayos ang pag-uusap namin ng may-ari ng building.

Maganda ang pwesto nito na may mga katabi ding mga café. Parang sa ibang bansa lang ang setting ng pwesto ng lugar dahlil ang mga café at restaurants ay yung may mga upuan at lamesa sa labas merong mga payong at puno para harang sa init.

Nakangiti akong lumabas ng building pagkatapos makipag-usap sa may-ari. Ang ganda kasi ng lugar, perfect for dates. Tamang- tama ang business kong flower shop. Gosh! I'm really excited na masimulan na!

The Changed ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon