Chapter 4: His Mission

372 12 8
                                    

Dylan's POV

"It's none of your business." inis na sagot ko kay Aj. Walang dapat na makaalam kung ano ang mission ko dito..

Kaya ako lumipat sa school na ito para patunayan ang sarili ko sa ama ko. Gusto kong tanggapin niya ako bilang anak at gusto ko ding mag-iba ang tingin niya sa akin. Illegitimate child ako kaya hindi ko palaging nakakasama ang ama ko. Lumaki akong hindi siya nakakasama. Ang nakakasama ko lang ay ang Mommy ko. Mayroon akong stepfather si Daddy Tom. Siya ang tumayong tatay ko habang lumalaki ako. Siya ang gumawa ng mga bagay na dapat ay ang tunay kong ama ang gumagawa. Napakaswerte ni Darren dahil hindi niya mararanasan ang mga naransasan ko.

Si Darren ay half brother ko dahil anak siya ni Mommy Kay Daddy Tom. Close kami ng kapatid ko kahit malaki ang age gap namin. 5 years old pa lang siya.

Matagal ko ng gustong maranasan ang makasama ang totoo kong ama. Palagi naman siyang nagpapadala kay Mommy ng pera pang gastos ko pero hindi naman iyon ang kailangan ko. At kahit hindi naman siya magpadala kayang-kaya ako buhayin ni Mommy at Daddy Tom.

Noong una nagdadalawang isip ako kung papayag ba ako sa pabor na hinihingi sa akin ni Papa dahil lalapitan niya lang ako dahil may kailangan siya pero nung sinabi niya sa akin na iyon na ang pagkakataon ko para patunayan ang sarili ko hindi na ako nag atubiling tanggapin pa ang hinihiling niyang pabor sa akin.Dahil baka ito na nga ang pagkakataon para mapatunayan ko ang sarili ko sakanya.

Ano ang mission ko? Mayroon lang akong kailangan bantayan dito sa STU. Hindi ko pa alam kung sino. Tapos hihintayin ko na lang ang iba pang ipapagawa ni Papa sa akin. Yan pa lang ang alam ko.

Nag-eenjoy naman ako dito sa STU. Nandito din naman kasi ang pinsan kong si Gino kaya di ako gaanong hirap pero mas naging intresting ang stay ko dito dahil kay Marah. Natutuwa ako sakanya ibang klase siyang babae kung yung iba kong kaklaseng babae walang ginawa kung hindi ang magpapansin siya naman walang ibang ginawa kung hindi ang sungitan ako pero kasalanan ko din naman dahil lagi ko siyang inaasar dapat pala lagi ko siyang ilibre para mabait siya sa akin katulad nung kasabay ko siya mag lunch. I like her already.

Marah's POV

Nakabalik na kami sa class pero di parin mawala sa isip ko yung tungkol sa mission ni Dylan. Ano kaya yun?  Mission niya kaya ay ang paghahanap ng treasure dito sa school? Hanapin si Elisa? O assasination plan para sa mga terror teachers namin? Ano ba yan puro kalokohan ang naiisip ko. Gusto ko sanang magtanong kaya lang baka sungitan niya lang ako tulad ng ginawa niya kay Aj. Para kasing may PMS yung lalaking yun. 

Hay nako bahala na nga siya sa mission niyang iyan! Sumasakit ulo ko sa pag-iisip makikinig na nga lang ako kay Ma'm.

Elle's Note: Hmmmm Sino kaya ang kailangan bantayan ni Dylan? At bakit niya ito kailangan bantayan? Ano pa kaya ang ipapagawa ng Papa niya?

VOTE <3 FAN <3 COMMENT <3

Lies and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon