Chapter 9: date?

295 10 6
                                    

This Chapter is dadicated to Jessica Concha. Welcome po sa watty ate :D I really admire your works! More power po :*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marah's POV

Kararating ko lang sa STU at 10 minutes na lang bell na. Kaya binilisan ko na yung paglalakad ko para makarating sa classroom at baka malate pa ko. Pag pasok ko sa room nagkukumpulan yung mga classmates ko sa may upuan ko. Ano namang meron dun at lahat sila nagsisiksikan dun.

Paglapit ko may nakita akong boquet ng flowers at isang teddy bear kanino naman kaya galing ito? Lumapit ako at tinignan ito. 

"Para kanino yan?" tanong ko kay Jhendie. Isa sa mga classmates ko na nakapalibot sa upuan ko.

"Malamang sayo. Kaya nga nasa upuan mo di ba?" sagot naman niya sa akin.

"Malay ko ba kung wrong send lang. Kanino galing?" tanong ko naman sa kanya.

"Di ko alam eh. Pagdating ko nandyan na yan." 

"Bhez try mong tignan yung card para malaman mo." hirit naman ni Lyka na kadarating lang din. Oo nga may card na nakadikit dun sa boquet. Kaya tinignan ko ang nakasulat dito.

"Good Morning Marah! Have a great day! I love you :D "

--- Kierwin

Napangiti naman ako pagkabasa ko nun. Ang sweet talaga ni Kierwin. Nagustuhan ko yung teddy bear na binigay niya. Nagustuhan ko din naman yung boquet pero mas gusto ko yung simple lang.

"Nagustuhan mo ba?" Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Kierwin sa likod ko.

Lies and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon