Marah's POV
Mula nang mabanggit ni Dylan yung tungkol sa mission niya kahapon hindi na namin iyon napag-usapan alam niyo naman yun PMS lagi.
Ngayon naman kinukulit ako ni Aj na isama ko siya mamaya sa training namin sa swimming. Buti na lang may meeting yung faculty kaya di kami napapagalitan kahit ang ingay niya.
"Marah isama mo na ko pleeaaassssseee? gusto ko makita ang abs ni papa Kierwin ee.." sabi ni Aj habang nakakapit sa braso ko.
"Ang manyak mo girl haha! Pwede ka naman manuod dun ee.. Huwag ka lang maingay kasi baka pagalitan ka ni Sir Perez."
"Uwwwwaaaah thank you Marah! Isasama ko manuod mamaya sina Lyka ha?" tuwang-tuwang sabi ni Aj.
*Dismissal time*
Aj's POV
Nandito kami ngayon nina Lyka, Gino, Dylan ,Alec at Micah nakaupo sa may bench dito sa may pool area. Pinapanuod namin mag warm-up yung varsity ng swimming team kasama na dun si Marah at Kierwin. Lima lang naman silang members ng swimming team.
Maya-maya pa isa-isa na nilang hinubad yung mga suot nilang shorts at jersey nila suot na kasi nila yung pang-swimming nila. Yung sa girls one-piece na swimsuit yung mga sinusuot sa competition tas sa boys naman trunks.
Pero si Marah at Kierwin hindi pa nagtanggal nung shorts at jersey nila kasi pinag jogging pa sila ng 5 laps sa paligid ng pool. Late na kasi sila nakarating dahil nag locker pa kami.
Pero nagulat ako dahil nakakadalawang ikot pa lang sa pool hinubad na ni Kierwin yung jersey niya. Nainitan siguro siya. At isa lang ang masasabi ko Wow Abs!
"Aj laway mo tumutulo na!" asar sa akin ni Micah.
"Wooow may abs si Kier! Hahaha Crush ko na talaga siya. Pwede nang mahalin! hahah" Biro ko sa kanya. pero crush ko lang talaga si Kier ang cute kasi.