Chapter 1
Gumising nang maaga.
Mag-linis ng kama.
Mag-handa ng pagkain.
Maghugas ng pinagkainan.
Maglaba.
Mamalantya
Magtupi.
Maglinis ng buong bahay.
Maghanda muli ng pagkain.
Maghugas muli ng pinagkainan.
Tapos matulog.
At gumising muli ng maaga kinabukasan.
Hindi naman Cinderella ang pangalan ko? Pero bakit halos magkapareho kami ng naging buhay? Akala ko ba hindi totoo ang mga nababasa sa mga Fairytale books? Noong una ko itong binasa. Natakot ako. Natakot ako na baka mangyari din ito sa akin. Na baka isang araw may mangyaring masama kay Daddy. At may biglang dumating na kamag-anak ng Daddy ko at biglang agawin yung yaman namin. Natatakot ako. Hanggang sa nagisingnalang ako, isang araw. Ang buhay na kinakatutan kong mangyari, ay naging totoo.
“Hoy Candice!” Hindi nawawalan ng Hoy! Sa bawat tawag sa akin nang aking mahal na pinsan na si Deuteronomy. Oo pinsan ko siya, pero kung umasta siya sa akin para niya akong katulong.
“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” nakataas pa ang kilay nito. Manipis lang ang kilay niya. Mukhang iilang strands lang ata ng buhok ang naroon. Tapos mapula ang pisngi. Di dahil sa mestiza siya. Kundi dahil sa makapal pa sa alikabok ang make-up sa mukha niya. Ang aga-aga, pero kung makapag-make up wagas.
“Ano bang kelangan mo Deuteronomy?” tanong ko sa kanya. Humanda ka na Candice magbabagong anyo na yang pinsan mo. Haha
Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya sa ganoong pangalan. Sa totoo lang, nasusuka talaga siya tuwing tinatawag siya sa ganoong pangalan. Ang arte niya. Hindi naman siya maganda.
Oo. Hindi dahil sa insecure ako sa kanya. Hindi talaga siya maganda! As in! walang ibang salitang babagay sa pagmumukha niya at sa ugali niya kundi ang title ng libro ni Haveyouseenthisgirl na Panget!
“Ilang beses ko bang sinabe sa iyo na ayaw na ayaw kong maririnig na tinatawag mo ako sa pangalan na yan?” hala, nagtransform na siya into a monster! Oo! Naging ogre na siya. Yung si Fiona? Nagkukulay berde ang mukha niya kapag nagagalit. Hinila niya ang buhok ko. Tapos kinaladkad ako patungong kusina. Kumuha siya ng isang basong malamig na tubig sa loob ng Ref. at walang awa akong binuhusan nito. Saka pinagsasampal ang aking mukha.
“Ano? Lalaban ka?” galit niyang tanong sa akin.
“Pwede ba? Kung pwede sasapakin na kita ngayon din!” sabi ko sa kanya. At sinugod niya muli ako.
“Aba? Ang kapal talaga ng mukha mong hayop ka?” nahiya naman ako sa iyo Noemi. Ako pa itong mukhang hayop ah? Ano nalang ang itatawag sa iyo?
Binigyan na naman niya ako muli ng isang malakas ng sampal. Halos gumalaw yung panga ko sa malakas na sampal na ibinigay nito sa akin.
Ganito ang buhay ko. Simula noong mamatay ang Daddy ko. Wala na kasing ibang kamag-anak sina Daddy. Sa totoo lang, yung buhay pa si Daddy. Ang dami niyang kamag-anak. Sikat na sikat kasi si Daddy. Hindi lang dahil sa, siya ang pinaka-mayamang bata sa business industry. He is also one of the most sought after bachelor of the philippines. At ang nagmamay-ari ng pinaka-malaking pagawaan ng Kandila sa buong mundo.
![](https://img.wattpad.com/cover/15179490-288-k423211.jpg)
BINABASA MO ANG
Candice and the Magic Candle
FantasiNot your ordinary Cinderella Story. -Candice & the Magic Candle Sa paghahanap ko ng nawawalang Mahiwagang Etir, hindi ko inaasahan na pag-ibig pala ang makikita ko. -Luhan