Briana POV
The fuck! Kahit anong iwas ng tingin ko sa kanya patuloy lang niyang inilalapit ang mukha niya sakin kahit ilang beses niya akong tinatanong pinipilit kong hindi magsalita dahil kunting galaw lang talaga maaring magkahalikan kami dito.
This guy is getting into my nerves!
Dahan dahan siyang yumukod at akmang hahalikan niya na ako ng biglang may bumusena sa labas ng bahay nila kaya napatigil siya at sumilip sa bintana
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hatakin pataas ng bahay nila kaya ano mang pagpupumiglas ko ay hindi ako makawala, hanggang sa makarating nalang kami sa isang malawak na kwarto, nagulat pa ako ng itinulak niya ako pahiga sa kama at saka naman siya dahan dahan lumapit sakin
"A- anong ga-gawin mo sa-sakin?" pabulol-bulol kong tanong sakanya
Nakatingin lang siya sakin habang naka smirk ,napansin ko din yung mga pawis niya sa bandang nuo at leeg.Ew!
Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa magkatabi na kami sa kama
Uupo na sana ako ng bigla niya naman akong inihiga ulit at takpan ng kumot kasabay ng pag hawak niya sa balikat ko galing sa likod ko
" Ano bang ginagawa mo?"
Pagtataray na tanong ko sakanya"Still quiet kung ayaw mong mahuli tayo!" Bulong niya sakin
" Gusto ko ng umuw–––––"
" Walter anak!!! Sorry di kami nakapag paalam na uuwi na kami pero marami kaming pasalubong nasa ref lahat, i miss you baby"
Ramdam ko pang pinaghahalikan halikan nila si Walter dahil rinig na rinig ko bawat halik nila sa lalaking to
Anak? So parents niya to?
Nakaramdam ako ng makati sa bandang hita ko kaya pasimple ko yong kakumutin sana ng bigla nalang hinawakan ni Walter yong kamay ko kaya napatigil ako
" Ah okey lang Ma, atleast nakauwi kayo ni Papa ng maayos" sagot niya
" Teka? Masama ba pakiramdam mo? Bakit nakakumot ka? Nilalamig ka ba?"
Ramdam kong aalisin na sana yung kumot na nakabalot samin ng bigla itong pigilan ni Walter para di ako makita " Hindi po Ma, trip ko lang talaga mag kumot Haha!"
Nice reason
" Ah sige , Mamaya bumaba kana lang sa sala kasi marami pa kaming pasalubung sayo don. Ikaw nalang kumuha at pagod ang Papa mo"
" Sige po"
Nang maramdaman kong sumarado na ang pinto umalis na ako sa pagkaka-talukbong sa kumot na subrang kapal nyeta! Ang init!
Tiningnan ko siya ng masama " Ikaw!" turo ko sa kanya
" ay gwapo, inlove kana?" mabilis na sinagot niya naman
Umiling ako kasabay ng pag-ismid " The hell! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sakin ha? "
" Kung di mo sana ito sinimulan edi sana hindi ko to gagawin sayo!" Pagalit na sabi niya
" What ever!"
Nagulat nanaman ako ng bigla niya nanaman akong tinalukbungan ng makapal na kumot saka dinag-anan ng kanyang mabigat na binti.
Pushet!
" Anak, bakit ang daming nakakalat sa sala ,may nga salamin, suklay, tapos yung iba mga banner ,iyo ba lahat ng to?"
"Ah–––o-opo sa-sakin po yan naiwan ko lang sa baba"
" Ah ganon ba? Sige ito na, aalis ulit kami ng Papa mo dahil may isa pa pala kaming ka meeting sa Cebu,baka next week ulit kami makabalik ng Papa mo."
" Nanaman?" bakas sa boses niya ang pagkamalungkot
" Kailangan anak, business e at saka yong allowance mo iniwan ko na sa drawer mo sa kabilang kwarto."
" Si-sige" sagot niya nalang
" Aalis na kami, mag ingat ka dito, lagi mong ila-lock ang bawat pinto ng walang makapasok" huling paalam ng Mama niya
" O-okey po"
Once again nagulat nanaman ako ng bigla nalang din siyang tumalukbong magkaharapan kami at kitang kita ko sa mata niya kung gaano siya nalulungkot ngayon
" Business naman lagi" Pabulong na sabi niya
Hindi niya ata alam na nakatingin ako sakanya dahil saktong nakaharap yung pwesto niya sa pwesto ko.
Narinig nalang namin sumarado na ang pinto at tuluyang nanahimik ang buong paligid. Buong inaasahan ko aalis na rin siya sa pagtatalukbong namin dito pero hindi ,dahil ni kahit anong galaw ,wala siyang kibo.
Hanggang sa bumuga nalang siya ng hangin at saka pumikit parang subrang bigat ng dinadala niyang problema
" Masaya ba magkaroon ng buo at sama samang pamilya?" Biglang tanong niya dahilan para mapatingin ako sakanya
Kahit madilim sa pwesto namin dahil nga nakatalukbong kami kitang kita ko parin ang mga mata niyang may bahid na lungkot.White naman kasi yung kumot kaya aninag ko siya gawa ng kunting liwanag
" Ha? sye-syempre ma-masaya" sagot ko habang nakatingin sakanya
Tumingin siya sakin at pilit na ngumiti " Ni-minsan kasi di ko manlang naranasan yan" malungkot napagkakasabi niya
Walang akong nasabi hanggang sa umalis na siya sa pagkatalukbong sa makapal na kumot at saka tumayo sa kama, ganon din naman ang ginawa ko saka dumeritso baba sa kanilang sala para makaalis na ng tuluyan pero nagkakamali pala ako
Pipihitin ko pa lang sana yung doorknob ng bigla niya naman akong pigilan.
Ito nanaman ba kami?
" Saglit lang" mahinang sabi niya
Tumingin lang ako sakanya habang nakataas kilay , May isang paper bag siyang pinahawak sakin
" Sayo na yan, di ko kailangan ng mga yan" Sabi niya pa saka ako tuluyang itinulak palabas ng bahay niya
" BWISIT KA! KAYA KONG LUMABAS NG MAAYOS !" sigaw ko sakanya
BINABASA MO ANG
My Wattpader Boyfriend
Teen FictionSi Briana Sente ay hindi mahilig sa Wattpad pero nagkaroon siya ng kabitbahay na naging Famous Author sa Wattpad. Ang kakaiba pa dito ay lalaki siya. Poging lalaki na hindi mo inakalang adik ito sa pagbabasa at paggagawa ng kwento sa Wattpad his nam...