31

918 32 0
                                    

Briana POV

Nakaupo lang ako sa sofa habang kumakain ng pagkain ,feeling nga daw ni Zaynn inaapi namin siya ni Walter dahil ayaw daw namin siyang sabayang kumain sa lamesa.Haha baliw :/

Habang nanunuod ako nakita kong nagpataas si Walter sa second floor ng bahay niya. Ilang minuto ng bumaba siya ulit ng nakabihis nang panlabas habang may dalang susi. Napansin niyang nakatitig lang ako sakanya

Tumigil siya tapat ng pwesto ko at tiningnan ako ng mata sa mata.

" Aalis ako" pagpapaalam niya

" San pupunta? Ang alam ko kasi wala kang event na pupuntahan nga—"

" Nilalagnat si Thessaly"

Napatigil ako. Ewan ko ba pero bigla nalang may kung anong kumirot sa puso ko.

" Ah.Pupuntahan mo?" wala sa mood kung tanong

He nodded " Madali lang naman ako at saka—" Lumingon siya kay Zaynn na kumakain parin " Palayasin mo na yang patay gutom na yan at baka wala na tayong makain mamaya dahil naubos niya na lahat"

I nodded.

Nung akala kong aalis na siya bigla nalang niya akong binulungan sa tainga " Wag kang aalis dito ha?" pa-sweet niyang sabi

" H-ha?"

Geez bakit kasi ang lapit lapit niya sa mukha ko.So nakakailang mygod!

" Wag kang aalis dito ,dahil babantayan mo pamamahay natin"

Natin?

Like namin?

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

" Psh u-umalis ka na nga!" utos ko sa kanya

Tumitingin tingin naman ako kay Zaynn na walang ibang ginawa kundi kumain lang ng kumain.

Lumakad na siya palabas pero napataas ang kilay ko ng bumalik nanaman siya papasok

" Para kang tanga!" inis na sabi ko

" Magluto ka mamaya ng makakain natin sa dinner ha? Sarapan mo ^__~"

Napaawang naman ang labi ko

" Inuutusan mo ba ako?"

Hinawakan niya ang tigkabilang pisngi ko at diniinan ito ng kapit " Please?"

Umirap ako sa kilig or asar? Nakakainis na nakakakilig? Urgh! Ano ba tong nangyayari sakin?

" Oo na!"

Humiwalay siya saakin at ngumiti sa harap ko.

" Asahan ko ha? Madali lang naman ako"

"Oo na nga!"

Paulit ulit na madali lang.psh.Madali ba yung 8:00 ang alis tapos 4 or 5 ata siya darating? Ibang klase

"Or sama ka nalang sakin?"

Tumingin ako sakanya

" Ayaw ko nga! Baka mapatay ko lang yung lintang yun!" sigaw ko sakanya

Tumawa naman siya na dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Omygod may iba na talagang nagyayari saakin. I swear.

Siningkitan niya naman ako ng tingin kaya sinamaan ko naman siya ng tingin

" Problema mo? Aalis ka o aalis ka? Umalis ka na nga at baka nag aatay na ang feeling may sakit na nag aantay sayo don!"

Hindi siya umimik at lalo niya lang siningkitan ang mga mata niyang nakatitig saakin hanggang sa tinap niya nalang ang ulo ko habang nakangiting nakangiti

" Psh taray ni Tsang bahala ka tatanda ka lalo niyan?"

"Che!"

Tsang nang tsang hindi naman ako mukhang manang!

" Oo na hahahaha bye!" Pagpapaalam niya bago lumabas.

Pagkaalis ni Walter pumunta ako sa may lamesa kung saan nandoon si Zaynn

" Hindi ka pa ba nabubusog?"

Lumingon siya saakin

" Actually natatae na nga ako e.Nasan ba ang CR dito?"

Ilang oras din kaming nakatambay lamang sa loob ng bahay,nanuod ng TV, naglinis nadin kung saan.Ang boring kasi hanggang sa  mag 3 o' clock na.

Tumayo ako at tiningnan si Zaynn na nasa tabi ko

" Samahan mo ko"

" Saan naman? Ang sakit ng tiyan ko pwede bang ako nalang samahan mo sa Hospital?"

Umirap ako." Yan kasi subrang takaw mo kasi.Napapala mo tsk! "

Bago kami tumuloy sa Supermarket sinamahan ko muna siya sa malapit na Hospital. Ayon sa Doc nasubrahan lang daw ang kinain niya kanina dahil sa iba't ibang pagkain pa ang kinain niya.

" Hays ginhawa"  mahinang sabi ni Zaynn

" Ano pa bang kulang?" tanong ko naman

Tiningnan ni Zaynn ang lahat ng pinamili ko " Grabe ang dami naman niyan.May bisita ba mamaya ang Young Master mo?"

Umiling ako " Nagpapaluto para sa dinner namin mamaya"

" N-nang kayo lang?"

Sinisigawan niya ba ako? Nilapit ko ng sapilitan ang tainga niya sakin at bumulong " You don't need to shout ,magkatabi lang tayo gago!"

Ngumiti siya ng pilit I think? " Ah oo sorry naman."

" Ge next time ulit.Alis na ako"

" Wala nang next time Zaynn"

Napatigil siya sa pagbukas ng sasakyan niya " Bakit?"

" Ah ano— ano uhm magpakabusy ka naman sa sarili mo kasi ako marami akong gagawin next week" pagrereason ko

" Sus edi next next week ulit? "

Ang kulit niya.Hindi niya kasi alam dinadanas ko sa oras na aalis ako at siya ang kasama ko. Hindi niya kasi alam kung anong nararamdam ko sa oras na hinahalikan ako ni Walter, umiling iling ako ng paulit ulit.Ano ba tong pinag iiisip ko?

" Hey? Bat namumula mukha mo?"

Napahawak ako sa nag-iinit kung pisgi. Shit bat nagkakaganito ako?

Nong nahalata niyang di ako kumikibo o sumasagot sakanya lumapit siya saakin " May problema ba?"

I shake my head " No. Nothing. W-wala to .Bye Zaynn ingat!"

At tuluyan ko na siyang iniwan sa labas.

My Wattpader BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon