36

1K 35 0
                                        

" Ako na magdadala"

Kinuha saking kamay  ni Zaynn ang dalawang maletang hila hila ko.

" Sure ka bang di ka na magpapaalam sakanya?"

Tumingin ako sa buong bahay.Ni isa sa mga bintana wala akong nakita ni-anino ni Walter.Means wala na ako sa kanyang halaga from now on.

" Hindi na siguro kailangan"

Inisakay niya na sa likod ng kotse niya ang mga gamit ko at inalalayan naman akong sumakay sa sasakyan niya.Habang umaandar ito di niya mapigilan di magtanong.

" Bakit aalis kana don? Nag quit kana? Hahaha suko ka din pala e"

Napangiti naman ako. Ngiting nasasaktan sa lahat. Hays

" Siguro time na din para magawa ko gusto kong gawin ngayon"

Ngumiti siya at nag thumbs up.

" Himala pinayagan kang umalis sakanila? Paano na siya wala na siyang assistant?"

Sumandal ako sa window ng sasakyan " Nakayanan niya akong di pigilan sa pag-alis siguro kaya niya naman mabuhay kahit wala nang Briana sa buhay niya" Malungkot na sabi ko

" Whoooa farewell for you my friend na ba yan? Hahha ayos lang yan"

Nag earphone nalang ako at naisipang matulog upang maiwasan ang nakahanay na mga tinatanong ni Zaynn.

Pero dahil hindi naman ako makatulog inuntog-untog ko nalang ang ulo sa window.

" Kung may balak kang basagin ang ulo mo ako nang babasag."

Umirap ako kay Zaynn

" Ano bang nangyari? Share mo dali para namang di ko rin sayo sineshare kapag tinitigasan ako hahaha!"

Sinapok ko siya sa ulo habang nag dradrive " Fuck you ka Zaynn puro ka kalokohan"

" At puro ka iwas sa tanong ko.Hahah mahal mo na ba kaya karin umiiwas sakanya? Oy aminin hahaha"

Nanahimik siya sandali at umimik nanaman " Kung sa bagay mga babae talaga kung kailan mahal na nila saka iiwan nalang ang taong gusto nila .Masakit pero sadyang tanga lang e.Mahal tapos gaganunin?" sabay tingin saakin

" Why you look at me?" harsh kong tanong

" Wala natatawa lang ako sayo"

Wala pero natatawa sakin? Parang timang. Umiling nalang ako

" San ba kita ihahatid? Dating condo niyo padin?"

" Yeah"

Matapos ang ilang oras...

" Thanks for driving me home." I said

Ngumiti lang siya at nagpaalam na ding umalis.

Kinabukasan paggising ko subrang back to normal again ang buhay ko, yung di ka gigising ng maaga para lang ipagluto ang ibang tao, kundi ipagluluto lang ang sarili ko.
#MorningAlone:/

Nilinisan ko lahat ng dapat linisin, tinapon ko mga gamit na hindi na kailangan ,sana pati siya naiitapon na parang basura lang pero hays mahirap gawin e.
#Sana

Then now 2018 na.Gosh parang dati lang 2017 palang malamang! Kinuha ko ang cellphone ko sa kabinet at tinawagan si Zaynn. Sa panahon kasi ngayon si Zaynn lang tangi kong pampawala ng boredom.

" Hello there Zayn?"

" Oh napatawag ka?"

" Labas tayo? Please?"

My Wattpader BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon