Dumaan ang isang malakas na hangin.
"It's been a year, Lea." Sabi mo hindi mo 'ko iiwan.
"Oha! English 'yon!" Sabi mo dito ka lang sa tabi ko.
"Happy 108th monthsary.. Happy 9th anniversary!" pagkasabi ko nun ay ramdam ko na nag uunahang bumagsak ng mga luha ko.
"Ang daya mo talaga! Ikaw 'tong nag pauso ng monthsary, anniversary chuchu tapos wala ka?! Gago ka talaga."
Pinadausdos ko ang aking palad sa pangalang nakaukit sa lapida, Leander Cohen.
"Sabi mo walang iwanan isang taon ko ng hindi maintindihan kung bakit sa lahat ng kukunin ay ikaw pa? Kahit ubod ka ng yabang,kahambogan, kaepalan... Mahal kita." Pabulong na sabi ko. Tila ba malapit lang siya sakin.
"Kahit bestfriend mo lang ako." Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung ano ng itsura ko, wala naman makakakita saki---
"Ang pangit mo." Wtf?! Sino 'yun?
"Sa taas." Huh? Taas?
Damn, wag mo kong minumulto Leander ha! Masasapak ko kaluluwa mo.
Pero imposible, alam na alam ko ang boses ni Lea. Coach Lea ba naman. Lol.
"Puno, stupid." Aba, gago 'yun ah!
Napatingin ako sa may sanga ng puno. May tao na may hawak ng libro.
Teka akin 'yun ah! Dahan dahan niyang binaba ang libro—
Primo?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakatingala. Paano siya nakaakyat d'yan?
"Wala ako d'yan, nandito ako." Huh?
"Tanga." Aba! Sira ulo talaga 'tong hype na to.
Oo, gago na siraulo pa.
"Anong ginagawa mo d'yan?" Ganyan nga Ely, kalma lang walang kwenta kung makikipag away ka—
"Pake mo?"
"Wala! Wala akong pake! Bwiset ka talaga!"
YOU ARE READING
Deadly Secrecy
ActionMy first story. Sana may sumoporta. Im really hoping to GOD. ♡