Dos

7 1 0
                                    

Abala ako sa pagaayos ng mga produkto nang biglang tumunog ang pintuan. Hudyat na may bago akong customer na dumating.




"Good mornin--




"Hi Ely! Good morning din" masiglang bati nito.





"Bad morning talaga yun kung nakita lang kita agad"




Napahalukipkip ako.





Aga-aga nabubwiset ako. Walang preno si tadhana, parang kahapon lang. Fuck this day, agad sagad.





And oh, di nga pala ko naniniwala sa destiny about sa love chuchu na yan. Love pwede pa, pero destiny? Korni, walang ganyan. Maniwala kayo sa hindi, basta maniwala pa rin kayo. Fuck his life.

---

Shookt, malelate na ko.



Agad kong pinara ang sasakyan nang makita ko kung saan ito patungo.




Umupo ako sa walang katabi at agad na nagbayad sa konduktor.




Nasa kalagitnaan na ng byahe nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Galing ito sa likuran.





Hindi man ako nakatingen ng diretso sa kanya ngunit kita ko sa aking peripheral vision ang unipormeng suot nito.





Habang pinagmamasdan ko ang tanawin sa bintana ay nanunuot sa aking ilong ang pabango nya.



Manly scent. Hmm.





Malapit na pala 'ko.




Honestly, I love to be alone. But I do really hate boring.




"Teka, kuya parang kilala kita." Sambit ko kasabay ng pagtingen ko sa kanyang ID.




Sakto ako nito. Tansiya ko na yon.





And then I smile to him saying, "Akala ko lang pala."





"Manong pakitigil po ng bus"




Bago ako makababa ay hindi nakaligtas sakin ang gulat na reaksyon nung lalaki. Tulala pa ito at hindi pa nakakabawi sa nangyare.




Napangisi ako pagkababa ko. Damn Ely, wala ka pa rin talagang kupas. Taas noo kong pagmamalaki ko sa sarili.

---

"Hoy Ely!"



Nagising ako sa diwa ko nang mapagtanto kong nandito nga pala tong kumag sa harap ko.



Nanlilisik ang mata kong napatingen sa kanya. Ano bang problema nito? Bakit lagi nya na lang ako kinukulit?




"Baliw ka na ata, ngumingiti kang parang tanga diyan"




"Pake mo ba!?" Singhal ko dito





"Tinatanong kasi kita kung may bagong stock pa ba kayo nito?"





Umiling lang ako at di na siya pinansin pa.





Agad kong inasikaso ang mga pinamili nito nang hindi ko 'to tinatapunan ng tingen.




Ramdam ko ang mga titig nito sa akin, hindi ko lang alam kung anong klaseng titig.




Narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pinto. Thanks God, wala na ito. Gulo lang kasi ang pang abot nito sakin.





Lumipas ang oras ay marami pang customer ang pumasok. Hanggang sa lumalalim ang gabi.





Marahan kong iniharap ang sign na WE'RE CLOSED at nagsimulang mag ayos ng mga gamit ko.





Nakakapagod na araw. Gutom na ko.





Nang maibaba ko ang metal door ng store ay naramdaman ko ang malamig na hanging yumakap sa aking katawan. Mukhang uulan.





Kinuha ko ang sumbrero na may naka ukit na KING at sinuot ito. Bahagyang nakatakip sa aking mga mata pero sapat na para makita ko ang daan.




I miss him so much. Bigay niya 'to sakin. He always remind me to wear this when im alone in the midnight.





Nagtataka pa ko sa sinabi niya noon nang ibigay niya to sakin.






Natatanaw ko na ang bahay namin. Malapit lang naman kasi ito sa store na pinapasukan ko. Ilang pasilyo lang ang lalakarin.





Malapit na ko sa huling pasilyo nang may marinig akong mga ingay.






Gabi-gabi na lang ba nila ito gagawin?







Walang tunog akong lumapit sa kanila. Biglang tumahimik ang paligid at walang sinuman ang nagtangkang gumalaw. Tanging hikbi lang ng isang babae ang maririnig.




Inalalayan ko ito sa pagtayo. Tinapal ko sa kanyang katawan ang jacket na suot ko.





Nagsimula na kaming maglakad pero hindi nakaligtas sa akin ang pagbulong ng isa sa katabi nito.






Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito sila umakto. Makikita mo sa mga mata nila ang balisa at takot.






Ayoko lang naman ng gulo.





Sa paglayo namin ay patuloy pa rin siya sa pag iyak.







"Tahan na, wala na sila." walang emosyon kong sabi







"S-salamat po." Ramdam ko ang pagkailang niya sakin.







Sigurado akong hindi ito nakatira dito sa lugar namin. Matagal na kami dito at lahat ng mukha ay kilala ko na. Hinatid ko ito sa sakayan.






Hinintay ko siyang makasakay. Tatalikod na sana ako nang mahagip ko ang mga mata niyang malalim ang titig sa akin.





Ramdam ko ang halo halong emosyon sa mga titig na yon.






Nang makauwe ako ay agad akong kumaen. Bwiset, dahil sa mga lalaking yon nagutom ako lalo






"O, Ely kanina ka pa?" Si ate Eri




Limang taon ang agwat sa akin. Hindi mo mahahalata sa mukha niya ang edad. Madalas napagkakamalan kaming kambal sa sobrang dami ng pagkakahawig namin.




Lumaki kaming walang nanay at tatay. Pareho kaming walang alam basta nagising na lang ako sa kaalamang si ate na ang nagtatrabaho para makapagaral ako.






"Kakauwi ko lang, nakakapagod." Nalasahan ko ang masarap na ulam. Mukhang mapaparami ako ng kanin.






"Good night baby, pahinga na ko, pagod rin ako" narinig ko pa ang mahinang tawa nito bago makapasok sa kwarto.






Napairap na lang ako.






Nang matapos akong kumaen ay hinugasan ko na ang mga plato.







Nagsasara ako ng bintana nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sinigurado ko ring nakalock na ang aming pintuan at pumasok na ko ng kwarto.







Sa paglapat ng likod ko sa kama, unti-unting nanghina ang talukap ng aking mga mata.







Bago ako hilahin ng antok ay muling pumasok sa aking isipin ang mga titig ng babaeng yon.







Sino ka?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deadly SecrecyWhere stories live. Discover now