I dedicated this chapter to myself and to all my beloved readers. I labu all
Thank you, jacklyn_07 for reading and supporting OGMPB.Chapter 1
Hera
Minsan talaga sa buhay nating mga tao. Kung ano pa ang hindi natin iniexpect siya pa talaga ang darating sa buhay natin. Minsan sila pa ang mas nakikita o mas nahahanap natin. At ganon na nga ang nangyari sa akin, nahanap ko siya ng diko inaasahan.
Hindi ko iniexpect na makikita ko siya. Hindi talaga! At wala talaga akong kaalam-alam na sa araw na ito. Dito ko siya mismo unang makikita. Sa lugar kung saan masaya ang lahat ng taong nasa paligid ko maliban sakin. Nandon rin pala siya.
Unexpected? Diko akalain. Pero na masaya narin ako kasi nga first time ko siyang makikita at nakilala.
Saka nagulat nga ako ng sabihin sakin ng kaibigan ko. Na nandon s'ya. Tuwang-tuwa pa nga sila habang sina sabi yon sakin. Hindi rin nila inexpect kaya na papatili e sila habang pinag uusapan siya sa harap ko.
Pero hindi ako katulad ng mga kaibagan! Tahimik lang kasi ako hindi ako yung klase ng taong ipagsisigawan sa buong mundo kung sino yung crush ko o kung sino yung taong gusto ko.
Tahimik lang din ako habang iniikot ng aking paningin ang buong paligid. Tahimik lang akong hina-hanap siya sa buong sulok ng venue ngunit hindi ko siya mahanap siguro na sa loob pa siya. Kaya siguro hindi ko pa siya makita.
Ang makita ko lang siyang naka ngiti kontento na ko. Alam kung hindi ako makakalapit sa kanya dahil hindi naman ako nagbabasa ng mga storyang ginagawa niya.
Hindi kasi ako mahilig sa mga genre ng storya niya. Pero kahit na ganon alam kung magaling siyang magsulat. Dahil hindi rin naman siya mamahalin ng mga tao kung hindi siya magaling magsulat at kung hindi siya mabait sa lahat.
Alam kung isa siyang mabuting tao. Hindi siya tulad ng ibang manunulat na hindi marunong tumingin ng utang na loob sa mga readers niya. Kaya naman malaki rin ang paghanga ko sa kanya ng dahil don.
Inikot kung muli ang aking paningin sa buong paligid at katulad kanina hindi ko parin siya nakita ngunit na hanap ko naman ang lugar kung saan naka pwesto ang kanyang pangalan. Napangiti ako ng makita ko iyon. Sabi ko ulit sa sarili ko totoo ngang nandito siya.
Balak ko siyang kunan ng litrato para maipakita ko iyon sa mga anak-anakan ko sigurado kasi akong matutuwa ang mga yon kapag nakita nila ang litrato nito. Siya kasi ang parating mukhang bibig ng halos lahat ng mga anak ko pati na rin ng mga kaibigan at mga kakilala ko na tulad ko ring mambabasa at mahilig sa mga nobela o kathang isip ng iba.
"Ate, okay kalang ba?" Bilang tanong sakin ni Louis na ikinagulat ko naman. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo di kita ma reach e." Naka ngiti pang sabi nito sakin.
Si Louis ay isa sa mga kaibigan kung nakilala ko lang rin naman sa wattpad. Ilang taon narin kaming magkakilalang dalawa. Naalala ko pa nga ang saya nong una naming pagkikita napakagaan rin ng loob ko sa kanya kaya naman naging kaclose ko siya agad. At tulad ngayun magkasama ulit kami dalawa at si Sandra na kaibigan din ni Louis dito isang event ng kaibigan kong si Sasa.
"Ate okay ka lang ba talaga?" Tanong niya ulit sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Yeah! Meron lang akong iniisip." Sagot ko naman sa kanya.
"Sino naman yon ate?" Nagtatakang tanong niya sakin. "Naisip ko lang na ngayon pala ang araw na makikita ko ang taong mukhang bibig ninyong sakin." Naka ngiti ngunit naiiling kung sambit sa kanya.
"Oo nga ate, thank you talaga dahil isinama mo ko rito." Tuwang-tuwa namang pahayag niya sakin.
"Sempre naman kilala mo naman ako diba hindi ko kayang lumakad na hindi ka kasama. Ikaw kaya yung Waze ko." Natatawang sambit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
ORDINARY GIRL MEET THE POPULAR BOY [REVISING]
أدب المراهقين[REVISING] I'm Hera and this is my story. Original Story made by: queen-Meduza