Inhale. Exhale.
"It's okay.", bulong ni Ybra sa tabi ko as we wait for the door to open.
Kalalapag lang ng spacecraft namin dito sa mundo nila...Heath ang tawag nila dito. Actually, it's Earth in another dimension, space and time.Ang explanation ni Ybra sakin ay nandito kami ngayon sa future ng parallel world ng Earth. Pero komplikado din yung explanation niya ng future eh. Ang sabi niya, merong muliple universe each similar with the others but iba-iba lang ang mga characters playing inside. Like meron akong iba't-ibang version ng sarili ko sa ibang dimension playing different character and personalities, creating different stories.
In short, mayroong Earth na nagkakaroon ng iba't-ibang kaganapan as they travel through space and time. Parang parallel universe daw pero in different time zones.
Magulo. Pero unti-unti ko naman naiintindihan. In short kasi, dinala ako ni Ybra sa ibang dimension, in future ng Earth in a parallel bubble of space.
Ang sabi ni Ybra, 'One who travels through space, travels through time.' So nagtravel kami mula sa past ng Earth ko papuntang future ng ibang Earth.
Ugh! 8 months ko yung prinoseso sa utak ko. Dagdagan pang information overload na sinalampak ni Ybra. Sobrang dami niyang tinuro sakin about sa mundo nila na pakiramdam ko sasabog ng utak ko.
Ilan sa mga nalaman ko ay isa akong reyna sa parallel universe nila Ybra kung saan ako daw ang namumuno sa buong mundo. Like literally the whole world! Sakin yun nakapangalan...I mean sa past Queen nila nakapangalan pala...which is me din...kaso iba lang pangalan ko dun. Queen Leona Adimera ang naririnig kong bukang bibig ni Ybra. It was a sudden death daw while natulog yung Queen tapos di na nagising. It was said to be a suicide.
Pangalawa kong nalaman, may tinatawag silang proseso na Queen DNA matching kung saan natutukoy nila ang reyna nila sa pag cross match ng dugo. Ang kwento ni Ybra, million of years ago, nakatuklas sila ng DNA characteristics ng isang perpektong tagapagmuno. So lahat ng babae ay dumadaan sa test na yun para makahanap sila ng bagong Queen. After mamatay ni Queen Leona, di daw sila nakatagpo ng bagong tagapagmuno sa mundo nila kaya kinailangan nilang maghanap ng another self ng Queen nila sa parallel universe. At pag minamalas nga naman sila, ako pa talaga nahanap nila. Honestly, di pa din ako makapaniwala hanggang ngayon sa lahat ng mga nangyayari.
Yep, after 8 months di pa din nag sisink in sa utak ko ang mga kaganapan. Parang lumulutang ako sa isang panaginip kung saan sumusunod lang ako sa agos ng kwento.
Pangatlo kong nalaman, isang hari si Ybra. So isa siyang hari na namatayan ng Reyna.
Two years na daw ang nakalipas pero ramdam kong mahal niya yung Queen Leona na yun...which is me in another world...which is hanggang ngayon ay palaisipan pa din sakin kung naaapektuhan ba nun ang nararamdaman ni Ybra para sakin. Like, pati ba ako mahal din niya? Dahil nakikita niya si Queen Leona sakin?
Nakita ko na siya sa pucture at kamukhang kamukha ko siya.
Kasi kung ganun nga, abay wala akong reklamo dun! Letse lang ang hot kaya niya! Ang gwapo-gwapo! Ang kisig! Macho! Gentleman! Tangkad! Ugh! Ang sexy ng lips niya! Ang talino! Perpektong-perpekto at swak na swak sa taste ko!
Ang galing talaga mamili ng other self ko! No wonder!
Ah...ang balita ko, kapag naging Reyna ka, malaya kang mamili ng kahit sinong lalaki sa buong mundo para maging hari at asawa mo.
Then, di daw pwede tumanggi ang lalaking mapipili ng Reyna dahil yun yung rules nila. Pero sino ba namang baliw ang tatanggi dun di ba? Ang kapal lang ng mokong kung tatanggi siya!
On the downside. Di ko na pwedeng piliin si Ybra as my King. Isa yun sa rules nila, isang beses ka lang magiging hari in respect sa past Queen nila.
But Ybra told me special ang case ko. Di ako nanggaling sa mundo nila kaya mahihirapan akong mamili ng mapapangasawa ko. Wala akong kilalang mga tao dito kaya naman sila ang mamimili ng mapapangasawa ko para sakin. Ybra told me they will giving me a list of guys for me to choose.
BINABASA MO ANG
MY QUEEN
Science FictionA queen to rule a whole world. Get ready for some fun, romantic, action pack adventure!