Ybra

55 1 0
                                    

Ybra

Idinilat ko ang mga mata ko.

Another bad dream.

Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga sa kama ko, thanking all the heavens na panaginip lang ang lahat.

Seeing her lying lifeless covered in blood habang hawak-hawak ko ang kutsilyo...paulit-ulit ko na lang napapanaginipan iyun. Parang kaparusahan na ipinataw sakin. At kahit dalawang taon na ang nagdaan hanggang ngayon ay masakit pa din. Kinakain ako ng pagsisisi at pagdurusa. Isang kalawang na di matanggal-tanggal sa systema ng katawan ko.

Napahilamos ako sa mukha ko at  napatingin sa orasan na nakalagay sa tabi ng kama ko.

Isang oras na lang at lalapag na kami sa sunod na planetang natukoy namin. Di ko na mabilang kung ilang planeta ang nalibot namin sa iba't-ibang galaxies at dalawang taon na ang nagdaan na wala pa ring pagtatagumpay.

Kailangan na namin siyang mahanap sa lalong madaling panahon. Nauubusan na kami ng oras.

Umilaw ang sing-sing ko hudyat na may natanggap akong mensahe. Facing my palm upwards, ang hologram ni Vrikin ang sumilaw, ang aking tagapagbantay.

"Nahanap na namin siya Haring Ybra."

Lihim akong nagdasal na sana ay ito na nga ang hinahanap namin.

"Prepare the soldiers. I'll be there in 10 min.", sabi ko saka isinara ang palad ko closing the call.

Agad akong nagbihis feeling my heart beat drum like crazy. Iniisip ko pa lang na makikita ko ulit siya at posibleng siya na ito ngayon, ay sobrang nakakakaba.

But at the back of my tongue, I can already taste the bitterness kapag natagpuan namin siya. Magiging mahirap para sa kanya at para sa akin ang hinaharap. It will kill me but it will save our world so I have really no choice.

I just hope siya na nga ito ngayon. We needed her as soon as possible. Two years is long enough. Baka hindi ko magawang sagipin ang mundo namin.

I didn't protect her right in the past. Kaya sisiguraduhin ko ngayon, gagawin ko ang lahat maprotektahan lang siya.

Please let it be her.

My Queen.

MY QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon