Chapter One: [FLASHBACKS]

4 0 0
                                    





Third Persons P.O.V


7)Colline Guizia

"Ano ha?! Lalaban kapa?! Napaka lampa mo! Ano gusto mo papatayin na kita?!" isang katagang nag palakas lalo sa hiyawan ng mga nanonood sa kanila.


Pinag tatadyakan at pinag sasampal siya ng babaeng nag ngangalang Barbie sa quadrangle. Hindi maka laban si Colline dahil hindi niya kaya ang dalagang sadista.


"H-hindi k-ko n-na kaya barbie p-parang a-awa m-mona t-tigilan m-mo nako." Impit at umiiyak na linya ni Colline. Nag mamakaawa siya kay Barbie na itigil na ang pananakit sa kanya. Nginisihan naman siya ni Barbie.


"Okay. Your wish is my command baka pag pinatay kita eh wala nakong maging punching bag. Hahaha. Bye kiddo" pang iinsultong pananalita ni Barbie kay Colline at dinuran pa ito. Iyak nalang ang tanging nagawa ni Colline kay Barbie at nag si alisan narin ang mga nanonood sa kanila. Sakit ang nararamdamn ni colline dahil naawa siya sa sarili niya na hindi man lang siya maka laban dahil sa kakulangan sa kaalaman ng mga taktika.


May lumapit sa kanyang isang babae. Maganda ito maputi at kasing edad lang nila. Kilalang kilala ito sa school nila. Dahil ito lang naman ang may ari ng school si Ms. Athasia Colleria sa mga magulang niya ang school na ito at ipinamana lang sa kaniya.


"Tanggapin mo ang sobreng ito Colline Guizia at kung payag ka pumunta ka sa Hall of bethany mamaya." Isang makahulugang ngiti ang binigay ni Ms. Athasia kay Colline naguguluhan man ang dalaga nggunit tinanggap niya nalang ang pulang sobreng ibinigay sa kanya ni Ms. Athasia. Umalis narin si Ms. Athasia sa lugar ni colline at marahang ngumiti.


"Colline Guizia check" isang makahulugang ngiti nanaman ang pinamalas niya.




"Parang awa niyo na. Itigil niyo na hindi bat binugbog niyo nako nung nakaraang araw.? Maawa kayo" isang linya ang binitiwan ni Collide sa mga hilera ng kalalakikahan na may hawak na kahoy o dos por dos.


"Kaylangan namin ng warm up collide!" Isang tinig ang nakapag pakilabot sa buong katawan ni Collide ng marinig niya ang boses ni Bezer at bigla nalang siya nitong pinukpok ng kahoy sa kanyang mukha. Kaya naman umaagos ang dugo ni Collide sa kanyang pisngi. Halos himatayin na si Collide sa lakas ng pag kaka bangag ni Bezer sa kanyang pisngi. Ngunit bigla nalang nag tatakbo ang mga ito palayo kay collide ng masilayan si Ms. Athasia na papalapit kay Collide. Hindi parin makakilos si collide sa sakin ng kanyang sinapit. Unti unti nanamang umagos ang nga luha sa kanyang pisngi ng mapag tanto niyang natalo nanaman siya. Nasaktan nanaman siya ng hindi nakakalaban. Unti unting nanlalabo ang mata ni collide. Ngunit may isang babaeng umupo para mapantayan ang kanyang mukha.


"Collide Ybreziah tanggapin mo ang sobreng ito. Kung payag ka pumunta ka sa Hall of Bethany mamaya." Isang makahulugang ngiti ang binitawan ng babae sa kanya. Kahit malapit ng mawalan ng malay si collide ay nakita at nagawa parin niyang pakinggan ang sasabihin ng babae.


"P-para saan ito? M-Ms. Athasia?" At duon na siya nawalan ng malay.


University of Collerians Bethany {School of Murderer Pupils}Where stories live. Discover now