Sadie's POV
"Don't fool around." Wala kaemo-emosyong sabi ni Dad at humawak ng newspaper.
"Dad naka baliktad." Kinuha ko ang newspaper at binaliktad para mabasa niya ng maayos. "Hindi po ako nag jo-joke! Daad, do you think na umuwi lang ako dito para e joke ko kayo? At alam mo naman kung gaano ko kagustong makita ang kapatid ko!"
Binaba ni Dad ang newspaper at hinarap ako. "Hon, pahingi nga ng tubig." Utos nito kay Mommy without breaking our eye-to-eye.
"S-sige, wait," Saad ni Mommy at nagsimula nang naglakad.
"Oh My!" Maluha luhang ani dad. Tss.. "Paano mo naman nalaman, Sadie?"
Kinwento ko sa kaniya ang mga ginawa ko simula nang pumunta ako sa office at chineck ang profile ni Garren hanggang sa narinig ko siyang may kausap sa phone.
"Call our investigators now!" Napatayo pa si Daddy.
"S-sige po!" Excited na saad ko at tumayo.
"Send them to Alaska." Seryosong utos niya, tumango lang ako.
"H-hon? Oh tubig." Inabot sa kanita ni Mommy ang tubig na kaagad naman niyang ininom. Naubos nito ang tubig at hingal na hingal pa ito. Tss..
"Thank you hon!" Tumango pa siya kay Mommy bago umalis.
Makikita na ba namin si Sandy? O baka naman magkatulad lang sila ng pangalan ng babae? Ngunit, pareho daw kami ng itsura diba? Is it possible na iba ang tinutukoy niya?
Tinawagan ko ang nga investigators namin at pinadala na kaagad sila sa Alaska. They need to find my twin as soon as possible.
"Dad! I already called them." Salubong ko sa kararating lang na si Dad, he looks frustated.
"H-hon, san ka galing?" Nagaalalang tanong ni Mom kay Dad.
"Airport." Seryosong ani Dad.
"Ano pong ginawa niyo don?" Tanong ko. Malapit lang naman saamin ang airport pero hindi na abot dito ang mga ingay na likha ng mga eroplano, at sadyang mabilis talagang magpatakbo si Dad kapag seryoso at importante ang inaasekaso.
"Bumili ng ticket." Ani Dad at naglalakad pabalik-balik sa harapan namin ni Mom.
"Hon, can you please calmdown." Hinawakan ni Mom ang magkabilang balikat ni Dad. "At para san naman iyang ticket?"
"Susunod ako sa Alaska." He sighed.
"Dad you don't have to. Pano na kami ni Mom dito, Dad? Meron naman tayong pinadalang investigators don diba? Trust them, they can find bal." Sabi ko at pilit siyang pinakalma, as what Mom's doing.
Tumungo naman si Dad. "Okay, sana umuwi na si Sandy dito." Malungkot niyang sabi.
ONE MONTH later, pero walang Sandy parin ang umuuwi. Pero thia time alam na namin kung saan siya at ano ang mga ginagawa niya. Yes! nasa Alaska nga siya. And after namin malaman ang lahat ng iyan, naging panatag na nabuhayan kami ng loob. Updated narin kami sa kaniya dahil sa mga investigators, they're always sending pictures of her on us and calling us from time to time. I admit na mas gumanda si Sandy doon. Pero naaawa parin ako sa kaniya, she's living there for almost a year without a family that guiding her. Really, she's a tough girl and I'm so proud of my sister. Sabi mo magpapalamig ka lang? Bat umabot sa isang taon? Grabe ka! Umuwi ka na!! I really miss my idiot sister!
*blaagg!*
"Aaahhhhh!"
Nakarinig ako ng pagbasag ng isang crystal na bagay kasabay ng isang parang namimilipit na sigaw.
"MOOOMM!" Tumakbo ako papuntang kitchen, and here.. I saw her sitting on the floor with her hand in her tummy.
"Sadiee!! Manganganak na akooo!!!" Hirap na hirap na sigaw niya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan din ang tummy niya. Baby just stay still.
"DAADDDD!" sigaw ko. I'm sure maririnig niya yun nasa kwarto lang naman siya eh.
"Sadiee! Ahhh!" Parang eere na si Mom kaya hinawakan ko ang kamay niya na kaagad naman niyang pinisil na parang nanggigigil.
"What's happening he--- Hon! Oww, wait kukunin ko lang ang susi ng sasakyan. Sadie gabayan mo muna ang Mom mo." Sabi ni Dad at umakyat uli sa itaas.
"Honn! Hurrryyy uppp!" Naiiyak na si Mom. Kaagad namang dumating si Dad at inalalayan namin si Mom papuntang kotse. Binuksan ko ang pinto ng backseat at ipinasok siya, pumasok narin ako at tinabihan si Mom na ngayo'y kinakagat ang labi dahil sa sakit.
Binuhay ni Dad ang makita ng sasakyan at mabilis na ipinatakbo ito papuntang hospital.
"Billisss Daadd!" Sigaw ni Mom at pinisil nanaman ang kamay ko.
"Li'l bro, gusto na kitang makita, pero wag mong pahirapan si Mom okay? Sasapakin talaga kita pag nagka--"
"Mom naman ehh!"
"Wag mong ipairal ang pag kasadista mo ngayon, Sad--whoooo!!!" Bumuga siya ng hangin. Fighting eomma!!!
"Aahhhhhhhh!!" Rinig kong ere ni Mom habang si Dad ay namimilipit sa sakit ng pagkahawk ni Mom sa kamay niya. I can see a tear falling from Mom's eye.
"Aaahhhhhh!" Sigaw uli ni Mom. Napangiwi naman ako. Nakadungaw lamang ako sa labas ng bintana dahil si Dad lang ang maaaring pumasok. Dahil nangangatog na ang mga binti ko sa kakatayo, umupo muna ako.. saglit lang to. I heave a sigh ng makaupo na ako, feeling ko ako yung nanganganak! Putek!
"Uuwwaaahh! Uwaahh!" Nakarinig ako ng iyak ng isang bata kay agad akong napatayo, that must be my li'l bro! Sumilip ulit ako and I saw the doctor na may hawak na bata. Wahhh! My li'l brother!!!
Inabot niya ito sa isang nurse at seninyasang lumabas. Tinignan ko naman sina Mom and Dad, Mom is crying habang si Dad naman ay nakahawak sa pisnge nito at nakangiting umiiyak din. Tears of joy malamang!
Lumabas ang nurse dala ang balot na balot na baby.
"Ateng nurse, can I see my li'l bro?" Tanong ko, pwede naman siguro at hindi naman niya ako matatanggihan dahil amin tong hospital eh!
"Yes po. Pero pakibilisan lang po kasi lilinisin pa namin si baby." Sabi ng nurse kaya kaagad akong lumapit at tinignan ang mapayapang natutulog na baby boy. Wahhh! Ang cute-cute niyaa! Parang pinaghalong Sadie and Sandy!
"Hey lil bro! Welcome to our family! Ang cute mo!!" Then I giggled. E pi-pinch ko sana ang cheecks niya ng inilayo siya ni ateng nurse saakin *pout*
"Ma'am di pa po pwedeng kurutin si baby." Saway ng nurse. "Sige po, lilinisin pa po namin." Sabi niya at lumakad na.
Nakita ko namang nakalabas na ng room ang mga nurse and doctors kaya pumasok kaagad ako para makita sila Dad and Mom.
"Dad! Mom!" Tawag ko sa kanila.
"Anak!" Parang iiyak na saad ni Dad. I saw Mom peacefully sleeping, napagod siguro talaga siya ng husto. Just sleep tight Mom.
"Ang gwapo ng baby boy natin Dad!" Tinaas baba ko pa ang kilay ko habang nakangisi kay Dad.
"Syempre sakin nagmana!" Pagmamalaki ni Dad.
"Yay!!! Hindi noh! Kay Sandy at saakin kaya siya nag mana!" Paglalaban ko.
"Teka lang! Ano po pala ang pangalan niya Dad?" Tanong ko at napaisip.
"Eaunix!" Saad ni Dad. Eh?
"Yay! Panget Dad!" Ngumiwi pa ako ng bahagya.
"Ehhh?"
"Syeithe!" Suhestyon ko naman. Nice name diba? diba?
"S-savinne!" Utal na ani Mom na ikinagulat namin.
"Mom/ Hon!" Sabay na ani namin ni Dad.
"Savinne Syeithe Eaunix Yee, nice name!" Nagulat kami sa nagsalita.
"SANDDYY?!!"