SADIEsta 17.2

4 1 2
                                    


Sadie's POV

"Sadie Gurl! Here!" Rinig kong sigaw mula sa hindi kalayu-an.


"Hey!" Bati ko at kumaway sa kaniya. Infairness haa, siya lang yung nakakakilala saakin kaagad.
Yung iba kase, hirap na hirap na ma recognize samin ni Sandy, pero tong bakla na to isang tingin palang kilala na ako. Psh!

Lumapit ako sa kaniya. Kinuha naman kaagad niya ang mga gamit ko at pinasok sa tent namin.

"Uyy! Nagpapaka gentleman ah!" Asar ko sa kaniya. Lumabas naman siya ng tent namin pagkatapos niyang ipinasok abg mga bagahe ko.

"Ano ka ba! Gentlegirl ako nuh." Correction pa niya at tinapik ang buhok niya (kahit nagupit na) psh!

"Ayan na! Bumalik nanaman ang pag ka babae mo." Nakanguso kung asar, ang taray kase niya kapag benabae nanaman ang pagkataong ginagamit niya.

"Bakit gusto mo bang maging lalaki ako? Bakit ba? Gusto mo ko nuh?" Pang aasar niya at kinakalabit pa ako.

"A-ano ba? Asa ka nanaman?" Kahit pulang pula na ako, na manage ko paring taasan siya ng kilay.


"Uyy! Pero tandaan mo, kung mahuhulog ka saakin, never kitang sasaluin." Pag mamataray niya at inirapan ako.

"Kailan ba ako mahuhulog? Wala pa yan sa bokabularyo ko nuh! Baka ikaw diyan, nililihim mo lang." Asar ko at tinaas baba ang kilay ko. Napa iwas naman siya ng tingin. "Teka, nasubrahan ka yata sa blush on?" Silip ko sa mukha niya.

"Ano ba!" Suway niya at tinabunan ng kamay ang mukha niya. "Hindi na ako nag mamake-up!" Sigaw niya.

"Eh bakit namumula ka?" Asar ko ulit.

"W-wala 'to! Patulog dito ah!" Paalam niya at pumasok sa tent namin ng mga kasama ko pang iba. Siguro kanina pa nila to inassemble kase may mga comforter nang nakalapag.

"Huy bakla!" Suway ko sa kaniya.

"Hindi ako bakla!" Sigaw uli niya.

"Edi shukla! Wala kang unan diyan, bahala ka!" Sigaw ko at sinilip siya sa loob. Naka higa siya sa comforter at nagtatalukbong ng kumot.

"Pahiram ako" sabi niya pero naka tago parin sa ilalim ng kumot.

Binuksan ko ang bag ko at binigay sa kaniya ang unan ko. Nahihiyang inabot ko sa kaniya ito. Sheekzzz, first time kong ipatulog sa lalaki ang unan ko.

Lumabas ako ng tent namin at nag register ng name ko.

"Hi!" Bati ng isang stranger saakin.

"H-hello." Awkward kong bati pabalik.

"Sexy mo ah!" Pilyo niyang tinignan ang katawan ko. Taga ibang school ata to, di pa ako kilala eh.

Namula naman kaagad ako, hindi sa gusto ko abg puri niya pero dahil sa inis.

*boggsshhh*

"Napapala ng BASTOS na katulad mo! Kaimbyerna ka!" Sinampulan ko siya ng isang suntok na nakapatulog sa kaniya.

Umalis ako kaagad doon. Nagsilapitan naman ang iba sa lalaki para gisingin, school mates niya siguro.

"MISS!" Sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko. I assume na isa siya sa mga kakilala ng mga lalaking napatulog ko.

"Ano ba?!" Inis kong binulyawan siya ng humawak siya sa braso ko. Ansakit kaya!

"Bakit mo siya pinatulog?!" Galit niyang tanong.

"Sleepy head kase ang kasama nyo. Napagod siguro sa byahe kaya tinulungan kong makatulog. Pasalamat pa siya eh!" Sarkastiko kong paliwanag. Bumuntong hinibga namang ang lalaki.


Sadie SadistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon