PANANDALIANG SARAP o PANGHABANG BUHAY NA PAGHIHIRAP??
babae ka at dalaga na,
iniingatan ng iyong ina't ama
pinag aaral kahit salat sa pera
matawag lang na marangal na kolehiyala.samantalang ikaw heto nagrerebelde na akala mo pinaghihigpitan ka,
Nagsasawa ka na ba sa kakasabi nila sayo ng "anak babae ka dapat bago dumilim nasa bahay ka na at kung may importanteng lakad man ay magpaalam ng maayos o kaya ay may kasama.
Hindi naman sa tipong sinasakal ka nila o pinagbabawalan sa mga bagay na dun ka mas masaya gusto lang naman nilang ingatan ka o ilayo sa anumang disgrasya.
Siguro minsan naiisip mo bakit ganun?
lagi nila ikinukumpara ang panahon nuon sa panahon ngayon? iyong panahon nuon na ang mga dalaga na nakasaya o kaya'y nakakimona sa panahon ngayon na ang mga kababaehan ay naka p*kp*k short o kaya ay sobrang ikling palda.Hindi sa ikinukumpara ang panahon nuon man o ngayon ang importante ay nasa maayos ka at yun lang ang naiisip nilang solusyon.
Kung gusto mong makapagtapos ng pag aaral sundin mo ang kanilang mga pangaral.
kung gusto mong magkaroon ng magandang hinaharap simulan mo sa sarili mo na may disiplina at pursigidong pangarap.sabi nga nila "oo mahirap maging mahirap pero mas mahirap ay iyong kahit minsan ay di mo sinubukang umangat at magkaroon ng pangarap.
Isipin mo hindi pinupulot ang pera,
napakamahal ng pangmatrikula,
nagpapakahirap ang nanay at tatay mo para itaguyod ka at ang buo nyong pamilya.Huwag kang gagaya sa mga babaeng OO may kakayahan nga ang pamilyang pag aralin sila .
sundin ang luho nila at may allowance na limpak limpak na pera...pero anu kamu ang ginagawa?
gumimik,gumala,uminom at sirain ang buhay nila... kasi anu ba nga naman silbi ng pag aaral nila grumaduete man sila o hindi may negosyo sila at mayaman sila kaya mas pinipili nilang magpariwara.Sila iyong mga babaeng basta nalang tumitihaya at bumubukaka sa kama na akala mo ay walang kinabukasan na.F*ckgirl o pakarat yan ang tawag sakanila.Ikaw mamili ka?
hahayaan mo nalang bang masira ang buhay mo sa panandaliang saya bunga ng pagnanasa pero kapalit ay habang buhay na pagdurusa o di kaya naman ay saglit na sarap pero kalakip ay pangmatagalang paghihirap?.Kaya ikaw mag isip ka bago mo gawin ang mga bagay na sa tingin mong di maganda, unahin mo munang mapasaya sina nanay at tatay na walamg sawa sayong sumusuporta,
magsikap ka..
maging matalino ka sa daang patungo sa entablado habang nakasuot ng toga at may hawak hawak na DIPLOMA.DIPLOMA na sa ibang tao ay di mahalaga pero sa magulang mo isang karangalan at pamatid ng hirap na naranasan nila para lang mapagtapos ka.
#bewise
BINABASA MO ANG
Crush Quotes
Random"Wag mang hinayang sa mga bagay na gawa na, dahil naging masaya ka din naman noon at ginusto mo"