The Bestfriend

155 7 11
                                    

Yhanne's POV

"Huuyyy Yhanne... Gising na!!!"

Nagising ako sa sigaw na yun... Pagmulat ko ng mata si JM nasa veranda ng kwarto ko at nagkakakatok sa pintuan... Aga aga nambubulahaw!!!

"ano ba bes... Ang aga aga bakasyon naman eh... Patulugin mo naman ako!..."

"bumangon ka na at magbabasketball tayo" ani JM

"bes, patulugin mo muna ako...  puyat ako ha!

"buksan mo ang pinto!!!"

Kaya tumayo ako at pinagbuksan ko siya ng pinto... Pero bago ako makahiga sa kama... Siya ang humiga at hinarangan ako para di na makabalik sa pagkakahiga ko?...

"Umalis ka dyan!! sipain kita dyan... bes, please lang yaan mo na ako matulog muna!"

Napansin ni JM na bukas ang laptop ko at pinakialaman nya ito... At nakita nya ang....

"ah kaya pala puyat dahil kay darren espanto! kapapanood mo ng videos nya no!" aniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ah kaya pala puyat dahil kay darren espanto! kapapanood mo ng videos nya no!" aniya

"Eh ano ngayon, si bebe lang naman ang stress reliever ko!"

"ako, hindi ba ako stress reliever?" sabay papogi...

"yaaakkkksss! pwede ba JM... Umalis ka dyan muna!" sabay hila ko sa damit nya at bumagsak siya sa kama...

"aray ko naman" aniya

"hay salamat... Makabalik na sa tulog"

"anong matutulog? bangon na dyan!!!" sabay hatak sa akin sa kama at dinala ako sa cr...

"hay naku sige na... Bumaba ka na sa sala at mag aayos na ako..."

Bumaba na si JM at ako naman ay nag ayos na ng aking sarili...

Varsity player ako ng basketball sa school kaya gusto ako kalaban ni JM sa basketball kasi may thrill daw ako kalaban, madalas kasi natatalo ko siya dito...

Kinuha ko ang susuutin ko... Ang basketball get up ko...

Pagkatapos ko maligo magtoothbrush at magpatuyo ng akin mahabang buhok, aking itrinintas ito at isinuot ang cap ng pabaliktad ala robin padilla...

Isinuot ang sando at shorts na pang basketball at pati medyas at rubber shoes na padala ni mama galing amerika...

Speaking of mama, si mama ay isang ofw na chef sa san francisco at wala na akong papa... He died when i was in grade 2... Car accident... Kaya napilitan si mama na mangibang bansa para sa akin... Wala kasi akong kapatid din kaya si JM ang tinuring kong kapatid... si lola jasmin na ang nagpalaki sa akin ang mama ni mama...

"hoooooyyyy Yhanne!!! ang tagal mo naman mag ayos... Nagme make up ka pa dyan.. Mahuhulas din yan pag pinagpawisan ka!" ani JM

"oo naaaa... pababa naaa!!!"

-------

Pagbaba ko, nakahanda na pala ang breakfast na pinaluto ni lola kay ate josa ang kasambahay namin... Sinangag, itlog at tapa...

"JM, Yhanne kumain na kayo dito sa mesa" ani lola jasmin

habang kumakain...

"JM, nililigawan mo ba ang apo ko?" ani lola

"l-lola mas mukhang macho pa nga po ang apo nyo kesa sa akin po... Hahaha" ani jm

"kapal ng mukha mo tol... Pag ako gumanda magsisisi ka... Baka patulan ako ng idol ko kawawa ka!"

"ikaw? papatulan ng isang DARREN ESPANTO? Nananaginip ka oi! asa ka na lang maraming magagandang fans yun!"

"bakit? habang may buhay may pag asa pa diba po lola?"

"ahhh shhhhh kung ano ano na pinagsasabi nyo hala!  kumain na lamang kayo dyan..." ani lola

Habang kumakain kami nanonood pala si lola ng umagang kay ganda... Hindi ko alam guest pala si darren...

"huh! teka darren yun ah!..." bigla akong tayo at tumutok sa tv...

"lola tingnan nyo po yung apo nyo nababaliw na po kay darren" ani JM

"Yaan mo na... Yan lang naman kasiyahan nya eh... Makita ang idol nya..." ani lola

"tseee JM tumahimik ka!" Sabi ko

Sinabayan ko si darren kumanta sa chorus...

Despacito
Quiero respirar tu cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes si no estás conmigo
Despacito
Quiero desnudarte a besos despacito
Firmo en las paredes de tu laberinto
Y hacer de tu cuerpo todo un manuscrito

Todo palakpak ako pagkatapos niya kumanta... Nakita kong iiling iling lang si JM na alam ko ayaw nya akong magfangirling...

Pagkatapos namin kumain... nagpaalam na kami kay lola para pumunta sa covered court at maglaro ng basketball...

---------

Sa loob ng court, dun ko ibinuhos ang inspirasyon ko sa napanood ko sa tv... Ang gwapo kasi... Three point queen ata to hindi ako matalo ni JM...

"E di ikaw na! di kita talaga matalo eh..." habang umiinom ng tubig...

"sorry bes... May inspirasyon kasi ako kaya natalo kita.... Blehhh!"

"sino si DARREN na naman? ako bes selos na ako dyan ha..." ani JM

"Jusme! bes... Idol ko si darren... Ikaw bestfriend ko... Ano ba!!! ang arte mo!" sabay hila Ko sa leeg nya at niyakap ko siya...

Napansin ko yung yakap nya sa bewang ko ay parang humihigpit ang tingin nya sa mata ko parang nangungusap or may gustong sabihin... Bigla ko siyang binitawan..

"i-i-i... Tayo na nga at makauwi na!" ani JM

Ako naman... Natulala sa inasal ni JM

Is there something na gustong sabihin ng bestfriend ko sa akin...?

😊😊😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😊😊😊

Please hit the star button to vote

Disclaimer : i do not own the photos and videos... Credits to owners 😘

The Girl is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon