The Basketball Game

91 4 0
                                    

JM's POV

4 months have passed....Nagtuloy tuloy ang communication ni Darren sa amin ni Yhanne... Madalas sila magkulitan while ako mas madalas ang seen mode... naa-out of place ako sa kanila...

One day walang schedule si Darren kaya niyaya nya si kuya EJ na bumisita sa amin at makipaglaro ng basketball... Ang kaso na-sprain ang paa ko dahil sa game namin sa school... Sinamahan ko na lang si Darren at Yhanne sa Covered Court para makapaglaro...

"one on one tayo Darren... I challenge you..." ani Yhanne

"challenge accepted!" ani Darren...

nagpalit ng rubber shoes si Darren at damit sa van... Sando at basketball shorts...

Eto namang si Yhanne astigin ang dating yung sumbrero nakabaliktad... Hahaha

Dahil injured ako ang audience sa game nila...

In possession ni Darren ang bola... Dribble habang hinahabol ni Yhanne si Darren... Nung ihagis ang bola.... Shoot 2 points!

Nang na kay Yhanne na ang bola... Nangyakap si Darren... FOUL YUN! teka may ref ba? 😒😒

"Ang daya! dinadaan ako sa yakap!... Wag ganun!" ani Yhanne

"Basketball is a contact game Yhanne... Walang madaya dun... Saka walang referree... Tayo lang naglalaro eh..." ani Darren

i feel there is something... Ilang beses na nangyayakap si Darren?... Teka

"Guys sige ako magrereferree sa inyo"

Habang naglalaro sila naglalakad lang ako magreferree... Di napansin ni Yhanne nakaharang ang injured foot ko... Natapakan nya....

"Aray kooooo!!!"

"Nakooo bessss sorry!!!!" ani Yhanne

Sa sobrang sakit naitulak ko si Darren ng di ko sinasadya... Or talagang SINADYA ko talaga... At tumumba siya...

"Bakit mo ako tinulak? is there a problem JM?" ani Darren

kusang lumabas sa bibig ko ang galit ko...

"ikaw ang problema ko... Dahil sayo nawalan na ng oras ang bestfriend ko sa akin... parang kinalimutan nya na ako..."

"so you're jealous huh! is that your problem JM?" galit na sabi ni darren

"will you two just shut up!? magkakaibigan tayo dito... ako ang nakatapak dito... At saan galing yang hugot mo" ani Yhanne

"w-wala i'm sorry darren and yhanne... Dala lang siguro ng sakit ng paa ko to..."

Nagkamay kami ni darren... At umuwi na lang si darren...

-----------

Galit na galit si Yhanne sa inasal ko kanina...

"ano ka ba JM? bakit mo ginanon si darren? wala naman ginagawa sayo yung tao

Di ako sumagot...

"sagutin mo nga ako JOHN MICHAEL?"

"WALA AKONG SASABIHIN SAYO..."

Kinwelyuhan ako ni Yhanne at inilapit ang mukha nya sa akin... nagtama ang aming paningin... Gusto ko na sabihin pero... Bigla akong lumayo sa kanya...

Hindi pa ito ang tamang panahon na sabihin ko sayo ang nararamdaman ko...

"Yhanne, JM nag aaway ba kayo?" Ani lola

The Girl is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon