The Karting

95 5 2
                                    

JM's POV

After a month, nagkaroon ng free time si Darren... Nagpunta kami ni Yhanne sa Circuit Makati kung saan makikipagkita sa amin si Darren...

"Bes, dito daw natin hintayin si Darren sa Starbucks sa Mall..." ani Yhanne

Naupo kami sa starbucks at naghintay, maya maya dumating si Darren na nakasunglasses

Naupo kami sa starbucks at naghintay, maya maya dumating si Darren na nakasunglasses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi guys..." ani Darren, nag fistbump kami at yumakap kay Yhanne

Puro ka yakap ah... nakakarami ka na ha!!!

"Lets go na?" aya ni Darren

"Okay"

_____________

Pagdating sa circuit pumili na kami ng aming sasakyang kart... talagang tumabi pa talaga kay Yhanne... ako nasa likod... hoy! Di nyo ako chaperone? Ano to date?

Pinaharurot ko ang kart ko at binilisan ko, habol sila ng habol sa akin... well!

"Bessss... ang bilis mo magpatakbo... ingat ka!" ani Yhanne

"Be careful tol..." ani Darren

Sige ako ng patakbo, maya maya huminto ako para hintayin sila... ba't ang tagal nila? Aba nakita ko huminto ang dalawa sa isang tabi at nagdadaldalan? Pinuntahan ko sila... bungisngisan ng bungisngisan... Aba! Ako yata ang pinag uusapan ng dalawa!

"Hoy! Anong pinag-uusapan nyo dyan....?" Sabi ko

"Ah eh wala..." ani Yhanne

"Eh ano yang pinakikita mo sa cellphone mo?"

"Wag ka magagalit bes... Pinakikita ko kay Darren yung picture mong tulog... nakanganga bwahahahaha!!!" ani Yhanne

"Anak ng... binebenta mo ba ako Yhanne?" inis na sabi ko

"Okay lang JM, gwapo ka pa rin naman dyan sa picture mo..." napabunghalit ng tawa ang dalawa

Binatukan ko si Yhanne!

"Ay grabe siya oh, napikon na siya Yhanne sa ginawa mo!" ang tawa ni Darren

"Nakuuuuu... ako na naman napagtripan nyo!"

Bumalik ako sa kart ko at tinapos ko na ang ikot ko... di ko sila pinapansin...

"Bes, sorry na...." ani Yhanne

"Sorry na JM..." ani Darren

Inakbayan ko ang dalawa... kahit nagseselos ako kay Darren at Yhanne mga kaibigan ko pa rin sila

_________

Bumalik kami sa starbucks...

Nagconfide sa amin si Darren about sa buhay nya sa showbiz

The Girl is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon