STARLIGHT: 16 With The Zodiacs

36 4 2
                                    

"Your imagination knows no limits, so make the most of it"

------------------------------

STAR V

"Marj!", buti nalang nakita ko si Marj, pano ba naman kasi, kanina pa ako naglalakad papuntang training grounds ng Zodiacs kasama sila., di man lang ako pinapansin ng mga ito, sila-sila lang din ang nag-uusap hahai pero itong si Prince kanina pa tingin ng tingin sa akin at parang gustong lumapit kaya lang hindi makaalis kasi hawak-hawak ni Checklit ang kamay niya. Hmmmp, kala mo naman aagawin ang prince niya, tseeeee...ayoko sana magmaldita kaya lang ipinaparamdam sakin ng Checklit na ito na masama dugo nito sakin eh kaya siyempre lalaban ako, aba, wala ako naalalang ginawang masama sa kanya para aktohan niya ako ng ganyan.

"Star!," sagot niya pero hindi lumapit sa akin, siguro kasi kasama ko ang Zodiacs. "Usap nalang tayo maya sa room mo, puntahan kita!" isinigaw nalang niya ang sinabi niya dahil ayaw niya talaga lumapit. Ganun ba ito ka takot sa Zodiacs?..hindi naman sila nakakatakot eh.

"Ok sige, antayin kita sa room ko mamaya" tanging naisagot ko dahil patuloy naman naglakad ang Zodiacs at walang balak antayin ako kung tumigil man ako. Bahala na nga..

....................................

Pagdating namin sa training grounds....

"Hi Star" nagulat ako dahil bigla nalang akong kinausap ni Barbie, isa sa mga Zodiacs. pagkatapos niya lumapit din ang ibang Zodiacs maliban kina Sabrina and Checklit. May problema ba sa akin ang dalawang ito?.

"Uhm hi Star" si Axel naman ngayon ang nag Hi.

"pasenxa ka na kung hindi ka namin masyadong kinakausap kanina huh?, front lang namin yun para akalain ng mga students na kasabay ka lang namin, dahil baka sugurin ka mamaya ng giyera" sabi ni Lexa. grabe naman?, giyera talaga?

"Wag mo nga takutin si Star Lexa, baka mamaya hindi na yan sumama sa atin eh" saway ni Alexis kay Lexa.

"Uy, hindi ko siya tinatakot Alexis, totoo ang sinasabi ko, pag nalaman ng mga fans ng prince na kasama natin lagi itong si Star ay siguradong susugurin to ng mga yun" natatawang sabi ni Laxe, hindi ko alam kung totoo ba talaga o hindi ang sinasabi nito.

"Ay naku Star, huwag ka magpapaniwala sa babae na yan, baliw na yan" tatawa tawa naman si Alexis sa akin habang sinasabi yun, kaya tumawa nalang din ako sa inaakto ni Laxe.

"Guys, move away a little" biglang singit ng Prince Craig na ikinagulat ng mga guys na nakikinig lang sa pag-uusap naming mga girls. Si Kennedy na tahimik lang sa isang tabi ay napalingon bigla dahil sa sinabi ng Prince. Ako naman na hindi alam ang nangyayari ay tahimik lang. hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun nalang ang reaksiyon nila sa ginawa ng Prince.

"Looks like our Prince found his lips" makatang sabi ni Winston.

"OMG, is this for real?" nanlalaking mata na tanong ni Laxe.

"Wow Star, you just captured the Prince's Heart" sabi naman ni Barbie.

Ano ba ang mga pinagsasabi ng mga ito? nakakaloko huh?..

"Teka lang po, hindi ko po kasi maintindihan kung ano pinag-uusapan, hindi naman po sa bobo ako dahil di ko magets agad, medyo overwhelemed pa po ako na kinakausap niyo ako kaya wala pa ako sa tamang huwisyo at hindi nagpafunction ng maayos ang utak ko" pansin ko lang kasi, parang wala pa rin naman ako dito kung mag-usap sila.

"Po daw, matanda na pala kayo eh" hahahahahaha, sabi ni Axel na tumawa pa talaga.

boooogs!..

"Aray!, ikaw Laxe ang sakit nun ah?" sabi nito na kakamot-kamot pa sa ulo, sinapak kasi ni Laxe, ikaw ba naman sabihan ng matanda eh. buti nga sayo. Natatawa nalang ako sa kanila.

Starlight: Brahma SagaWhere stories live. Discover now