STARLIGHT: 12 The Shifting

58 5 2
                                    

  "He's body may left us but his love for us will never leave"   

----------------------------------------

tok tok tok

..................

tok tok tok

..................

tok tok tok

"For a moment please" nagising ako sa sunod sunod na katok, maka katok naman kala mo walang bukas eh. Sumakit tuloy ulo ko bigla. Sino ba naman kasi tong kumakatok at ayaw ako tantanan, natutulog pa yung tao eh. Bumangon ako para pagbuksan ng pinto kung sino man ang kumakatok. Pagkabukas ko ng pinto isang babae ang nasa harap ko, maganda siya, nakalugay lang ang lagpas balikat na buhok niyang kulay chocolate brown and may suot siyang eyeglasses pero kahit naka eyeglasses siya ay kita pa rin ang kulay berde niyang mga mata, para siyang nagbablush dahil pinkish ang pisngi niya in short maganda siya kahit nerdy ang dating pero hindi naman siya nerdy manamit.

"Can I help you"?, i asked her.

"Uhm, T-the headmaster is calling for you" nauutal na sagot niya sakin, para siyang nagpipigil ng tawa, hindi naman siguro ako ganun ka pangit para magmukha akong clown. Then i realize, shit kakagising ko lang pala. Tinignan ko sarili ko sa salamin and shit, ang laki ng eyebag ko at ang itim ng paligid ng mga mata ko. Oh My God...

"O-ok, I'll be ready in a minute" sabi ko at dali dali ko siyang iniwan para pumunta ng banyo at maghilamus ng mukha. Nakakahiya.

"Wear your uniform, its mandatory to wear it tonight" narinig kong sigaw niya bago ako makapasok sa bathroom. Hindi ko na pala siya nayayang umupo dahil wala rin namang couch sa salas o dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko saglit ang manners ko, choooos, hehehehehe. wala pang 5 minutes tapos na ako at tinakbo na ang pintuan kung saan andun pa din yung nerdy but beautiful girl na inutusan ni headmaster para sunduin ako. "I'm ready, let's go" sabi ko sa kanya at nagmamadali na kaming pumunta kay headmaster.

"Slow down, we will not go to his office" sabi niya na ikinatigil ko ng paglalakad.

"Why?, i thought he asked for me?", tanong ko sa kanya.

"He said to bring you to the dinning chamber because it's almost 6:30 pm, dinner time will start at 6:30 and all students and school staffs will go to the dinning room" mahabang paliwanag niya.

"Ah, kaya pala, hindi mo naman kasi sinabi agad hehehehehhe" sabi ko at nginitian siya para naman mawala ang awkwardness and shyness niya sakin. Kanina kasi habang naglalakad kami eh ang tahimik nito di rin magsasalita kung hindi mo kakausapin. ngumiti naman siya pabalik kaya tumawa na ako. hahahahahahaha. tumawa na rin siya dahil siguro para akong baliw, bigla nalang tumatawa. habang tumatawa ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa dinning room at nakasunod lang ako sa kanya. Di ko man lang pala napansin na pagabi na kanina pa at hindi pa sana ako makakakain kung hindi ako pinatawag ni headmaster at sinundo ni, ay hindi ko pa pala alam pangalan niya. Habang naglalakad ay tinanong ko siya.

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko.

"I'm Margareth" sabi niya sabay abot ng kamay para makipagkamay sakin.

"Im Starlight but you can call me Star" sabi ko naman sa kanya. bigla siyang napatigil sa paglalakad.

"Why?, is something wrong?" tanong ko sa kanya dahil bigla nalang siyang tumigil nung narinig niya ang pangalan ko.

"A-ah, w-wala naman" sabi niya na inayos ang eyeglasses niya. "We're here"

"O-ok" sagot ko. hindi ko na siya kinulit pa dahil dumating na kami sa dinning room.

Starlight: Brahma SagaWhere stories live. Discover now