Jase's POV
"Gumaganda ang paligid kung bawat tao ay puno ng pag-ibig, napapawi ang pighati ma-----"
"Jase lumabas kana taeng tae na ako!" napatigil ako sa pagkanta at agad ng lumabas sa banyo, hays ang ganda ganda pa naman nung kanta na 'yon, Pag-ibig by spongecola.Badtrip naman itong si ate!
Kakatapos ko lang maglinis ng katawan nangangati kasi ako, siguro dahil sa pag upo ko sa damuhan kanina sa may garden.
Nagbihis na ako at agad pumunta sa sala para mag aral, kami lang dito ni ate sa bahay, si mama nasa baguio at si papa naman matagal ng wala.Si ate Reinalyn nalang ang nag aasikaso at gumagawa ng paraan para makapag aral ako, kaya heto ako nag aaral ng mabuti para sa kinabukasan
Habang kinakapa ko ang bag ko may nakita akong nakatiklop na papel "Ano kaya ito?" tanong ko sa sarili ko sabay bukas ng papel
"Dear Ms.Suplada,
Papasukin mo naman ako diyan sa buhay mo, promise hindi na kita kukulitin, slight nalang haha!"
HUH? walang nakalagay na pangalan kaya tinignan ko sa likod ng papel 'David'
Halos mabitawan ko 'yong papel ng mabasa ko ang pangalan ng lalaking 'yon.Ano namang pumasok sa isip nun at sinulatan pa ako? Tsaka paano niya nailagay yung papel na'to sa bag ko? Ah! iniwan ko nga pala ito sa room, hays pakialamero.
"Oh ano 'yan?" napatingin ako kay ate at agad ko namang ginusot 'yong papel at tinago sa bag "Wala bumagsak lang ako sa test kanina nakakahiyang ipakita ko pa sa'yo 'yong score" palusot ko
"Nako 'wag ako!" at sabay pame-awang niya "Hindi naman itsurang test paper 'yon eh, ano ba 'yon bigay sa'yo ng boyfriend mo? Hays diba sabi ko sa'yo mag tapos ka muna bago mag boyfriend, mahirap ang panahon ngayon hindi ka mabubuhay kung wala kang trabaho---"
"STOP!" napatigil naman siya "Ate naman ang OA mo ha! wala akong boyfriend at diba sinabi ko sa'yo magtatapos muna ako so gagawin ko 'yon!" paliwanag ko sa kanya, masyado kasi syang Nega.
"Mabuti naman, nako kapag nag boyfriend ka susumpigahin kita!" at tumalikod na siya, napatingin lang ako sa kanya at nagulat ako ng lumingon ulit sya
"Umiwas ka sa lalaki ha, baka mamaya ma fall ka pa" inirapan ko lang siya.Tss, ako pa ang sinabihan nya!
Ako nalang ngayon mag-isa sa sala at nag aaral ako baka kasi may quiz bukas, sayang din ang points dun.
&&&
"OMYGOD! WHY HE'S SO GWAPO!"
"OWWW MYYY BOOYYY"
"SO HOTTTTT"
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa mga babaeng nadaanan ko kanina, tilian sila ng tilian.Sino ba kasi 'yong dumating? Artista ba? grabe akala mo hihimatayin na sila, napatingin naman ako kung saan sila nakatingin at nanlisik ang mata ko at iniisip kung sino ba ang lalaking 'yon.
"Omg" iyan nalang ang nasabi ko, nakatayo ngayon sa may gate si David at may kausap na isang lalaki.Nakatanggal yung botones ng polo niya tapos naka shades siya, tapos 'yong buhok niya! Marunong din palang pumorma ang lalaking ito.Natinag naman ako sa pagtingin sa kanya ng bigla syang tumingin sa akin, napaatras naman ako at ng humakbang na siya na palapit sa akin tumalikod na ako at naglakad ng mabilis, pero kahit anong bilis ko sa paglalakad naharangan niya parin ako
"Good morning" nakangiti nyang bati at tinanggal niya 'yong shades niya
"Walang GOOD sa morning kung ang makulit na tulad mo ang makikita ko" pag mamataray ko, ang init talaga ng dugo ko sa kanya!
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove with Mr.Makulit (Ongoing)
Teen FictionDiba ang makukulit nakakainis? 'yan rin yung una kong naramdaman sa kanya pero habang tumatagal nagugustuhan ko na siya... Meet Camilla Jase Puertellano.Mabait? minsan. Matalino? sakto lang. Maganda? may itsura lang. Mayaman? hindi rin... Samahan na...