Jase's POV
"I wish falling inlove has traffic light too, so that I would know if I should GO for it, slow down or just... STOP"
Hays, ang hilig talagang mag google nitong si Faye.
"Tumahan kana nga diyan nakakahiya sa ibang studyante dito oh!" napatingin naman ako kay Riel ng sabihin niya 'yon.Nandito kasi kami sa may canteen at dito pa sinumpong si Faye ng pagka broken hearted, naaawa tuloy ako sa kanya hindi ko naman alam ang sasabihin ko para mapatahan siya.
"Hayaan mo lang siya" sabi ko naman kay Riel at nagkibit balikat lang sya na sinasabing 'OKAY FINE'
"Bakit ba kasi ganun... ang hirap pigilan ng puso..." hinaplos ko lang siya sa likod, actually nagtitinginan na sa amin ang mga tao pero mukhang itong si Faye walang pakialam
"Bakit ba kasi nakipag kaibigan kapa sa kanya, edi dapat hindi ka nahulog ng ganyan" hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumabas sa bibig ko ang bagay na 'yon
"Hindi ko din naman kagustuhan 'yon kasi tadhana ang gumawa" sagot naman niya.
Siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya iiwas nalang ako kung alam ko namang magkakagusto ako sa taong 'yon
Hindi ko pa nararanasan ang magmahal pero... ang sabi nila kapag na fall ka daw sa isang tao at hindi ka niya sinalo 'yon ang pinaka masakit na bagay sa lahat.Parang nakakatakot tuloy ma-inlove lalo na kung sa maling tao pa.
*Classroom*
"Camilla Jase Puertellano"
"Present!" nandito ako ngayon sa classroom, second sem. ko na'to, konting push nalang makakatapos rin ako.
Habang nag a-attendance si Mrs.Pulhin nag aayos ako ng gamit ko, inilalagay ko kasi 'yong book ko sa ilalim ng upuan ko
"David Isidro" tumigil ako sa pag aayos at tumingin sa mga kaklase ko, kailan pa nag karoon ng David Isidro dito? baka taga kabilang section at nagkakamali lang si Ma'am
"David Isidro?" pag ulit ni Ma'am, naglingunan naman kami at wala namang ibang mukha sa classroom, nagbulungan na din ang mga classmate ko at nagtataka kay Ma'am
"David Isid----" at sa pangatlong tawag niya bigla nalang may nagsalita sa may pintuan
"Present Ma'am!" nakangiti nyang sabi at lumingon lingon para maghanap ng bakanteng upuan.What? so may bago kaming classmate pero kahit isa sa amin walang na inform? Nang makahanap na siya ng uupuan nya agad niya 'yong sinunggaban at kitang kita ng dalawang mata ko ang pag ngiti niya sa katabi nyang babae, at dahil sa ginawa niya halos sumabog na ang mukha ng katabi niya sa sobrang pag ba-blush ng mukha.
Gwapo naman kasi siya, matangkad, sakto lang 'yong katawan at hindi sobrang payat, tapos nakakadagdag pa sa datingan niya 'yong uniform niya, pero mukhang badboy ito, nandito siya sa higher section at ang nasa higher section responsable at hindi nale-late pero 'yong tulad niya, mukhang hindi responsable.
Pagkatapos ni ma'am sa pag a-attendance tumayo na siya sa unahan
"Lets welcome David Isidro from section 4" napatingin naman ako ngayon sa David na 'yon, hindi lang pala ako halos lahat kami, hindi ko aakalain na makakapasok sa klase namin ang mula sa mababang section. Limang section kasi meron dito at ang pinaka mababa 5 at nasa pangalawa kami.
"Nagpalipat siya pero ayaw nyang sabihin yung reason, so lets move on, we need to start our class today" at tumalikod si Ma'am at nagsimula ng magsulat sa board.
Math ang subject namin ngayon, well hindi naman sa pagmamayabang pero marunong ako sa math, easy maka gets at paboritong subject ko rin ito, kaya medyo easy sa akin ang pag intindi at pagsasagot dito.
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove with Mr.Makulit (Ongoing)
Ficção AdolescenteDiba ang makukulit nakakainis? 'yan rin yung una kong naramdaman sa kanya pero habang tumatagal nagugustuhan ko na siya... Meet Camilla Jase Puertellano.Mabait? minsan. Matalino? sakto lang. Maganda? may itsura lang. Mayaman? hindi rin... Samahan na...