Jase's POV
"Jase?"
Paano ko ba buburahin 'yon? Nakakainis naman baka mamaya mapadpad dun 'yong guard, mabuti nalang at walang studyante ang pumupunta sa garden kasi boring dun at ako lang naman ang nag eenjoy sa lugar na 'yon
"JASE!"
"Aray!" napatingin naman ako kay faye, bigla niya kasi akong hinampas sa braso
"Ano ba?" nakakunot noo kong tanong
"Kanina kapa lutang dyan! ano bang iniisip mo?" nandito kami ngayon sa may terrace ng bahay namin, tinuturuan ko kasi siya sa math.
"Wala" matipid kong sagot at bumaling sa sinusulat ko sa notebook
"Weh? 'wag kangang mag sinungaling sa akin, I know you Jase kapag may problema ka tahimik kalang at lutang dyan" at sabay irap nya at nagsulat na ulit, napatingin naman ako sa kanya. Ting! may naisip ako para tantanan na'ko ng makulit na David na yun!
"Kasi ano e..." nag aalinlangan pa akong ikwento sa kanya, pero kailangan kong sabihin yun! kasi para tantanan na nya ko, kailangan ko ng tulong ni Faye
"Ano?" at tumigil sya sa pagsusulat "M-may nanggugulo kasi sakin" totoo naman e! ginugulo nya ako
"Sino yan?! babae ba o lalaki! lagot sakin yan" at sabay tayo nya kaya hinila ko sya paupo
"Ano kaba kumalma ka"
"Ano ba kasing klaseng pang gugulo ang ginagawa sayo?" mataray nyang tanong
"Basta ginugulo nya ko at ang kulit kulit nya, ipapahamak panga nya ako e sa ginawa nya kanina" tuloy tuloy na pagsusumbong ko.Actually kanina nung nasa harap ako ng David na yun hindi ako makapag react, inis na talaga ko at gustong gusto kong burahin yung mukha ko sa pader na yun! isa pa wala akong pambayad kapag may nakakita nun!
"O sige lagot sya sakin bukas!" at sabay bagsak nya ng ballphen.Napahinga naman ako ng malalim, alam ko namang pagsasabihan lang sya ni Faye, gusto ko na talagang tigilan nya ako, dalawang araw na nya akong kinukulit at dahil dun napilitan pa akong makipag kaibigan sa kanya kahit ayaw ko, isa pa, ang kulit nya sobra! baka makasali pa ako sa gulo nya kung meron man.Hindi naman sa sumbongera ako pero sa dalawang araw na pagkakakilala ko kay David sobrang kulit at tigas ng ulo nya.
&&&
"Hays lagot sya sakin, naku!" at lingon ng lingon si faye, nandito kami ngayon sa may gate at hinihintay namin si David.
"Ayan na sya" saby kulbit sa kanya at tinuro si David na papalapit na sa gate
"Yan ba talaga yung nagungulit sayo?, e ang gwapo nyan Jase! Bingo ka dyan" pabulong nyang sabi
"Basta gusto kong tantanan na nya ko" naiinis kong sabi sabay pout sa harap nya
"Okay" at bigla syang naglakad papalapit kay David kaya sumunod nalang ako at nasa likod nya ako ngayon
"Hoy lalaki" napatigil si David at tumingin kay Faye at biglang nabaling ang tingin sa akin
"Hi Ms.Puertellano" sabay kaway na may ngiti, inirapan ko lang sya at bumaling sa ibang direksyon
"Tumigil kanga! alam mo bang hindi sya natutuwa sa ginagawa mo?" matapang na sabi ni Faye
"Ano bang sinasabi mo?" napatingin naman ako kay David na ngayon e seryoso na nakatingin kay Faye habang nakakunot ang noo
"Ayaw nya makipag kaibigan sayo! at isa pa tantanan mo nga sya kasi ginugulo mo daw ang buhay nya!" napatingin naman bigla sa akin si David na ngayon ay seryoso
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove with Mr.Makulit (Ongoing)
Genç KurguDiba ang makukulit nakakainis? 'yan rin yung una kong naramdaman sa kanya pero habang tumatagal nagugustuhan ko na siya... Meet Camilla Jase Puertellano.Mabait? minsan. Matalino? sakto lang. Maganda? may itsura lang. Mayaman? hindi rin... Samahan na...