The Husband's Mistake •One Shot•

4.2K 72 10
                                    

Hindi mapalagay si Trina. Palagi na lang syang nagkakaganito tuwing umuuwi ng gabi ang kanyang mister. Hindi mapanatag ang loob nya dahil hindi man lang ito nagtetext kung nasaan na ba sya o kung nasa trabaho pa sya at nagdesisyong mag-overtime.

Sa pitong taon nilang pagsasama, nagkaroon sila ng dalawang anak. Isang lalaki na nasa anim na taong gulang at ang bunso ay apat na taon.

Matiyaga ang asawa ni Trina na si Kiel. Palaging humahanap ng pagkakakitaan para may pantustos ang mga bata sa pang-araw araw nilang pangangailangan.

Maunawain si Trina, hindi nila pinag-aawayan ang mga maliliit na bagay tulad ng pag-uwi ni Kiel ng gabi. Mayroon kasi syang tiwala dito, at mahal na mahal nya ito. Hindi nya kayang pagdudahan ang sariling asawa dahil alam nyang ginagawa nito ang lahat para sa kanila.

Ngunit babae rin si Trina, dumadating ang araw na napapaisip sya na baka nagloloko nga ang asawa nya dahil sinusulsulan sya ng mga kaibigan nya na nakita daw nila itong may kaakbay na babae papasok sa isang motel.

Binalewala ang lahat ng iyon ni Trina. Kahit masakit para sa kanya ang mga naririnig, pinipilit pa rin nya na ipasok sa kanyang utak na hindi yun magagawa ni Kiel.

Lumipas ang mga araw, napapansin nya na mas lalong napapagabi ang pag-uwi ng kanyang asawa. Gusto nyang magtanong pero pinipigilan nya ang sarili dahil ayaw nyang magkaroon sila ng away at gulo. Baka isipin nito na pinagdududahan sya ng sarili nyang asawa.

Tulad ng ibang lalaki, mahilig rin si Kiel sa sex. Nalaman ito ni Trina pagkatapos nilang magpakasal nuong 23 anyos pa lamang sila. Pero nagbago ang ihip ng hangin, naramdaman ni Trina ang malamig na trato sa kanya ni Kiel. Kung dati rati ay yayakapin sya nito sa kama at magyayaya, ngayon ay hindi na. Matutulog na lang ito ng walang imik.

Isang dalagang filipina si Trina ngunit kung ano ang gusto ng kanyang asawa sa kama, sinusunod na lang nya. Masyado nyang mahal ang asawa para tanggihan ito.

Hindi pinabayaan ni Trina ang kanyang katawan kahit may dalawa na syang anak. Ayaw nyang pagsawaan sya ni Kiel, na kahit nasa 30-anyos na sya ay seksi at maganda pa rin sya. Madami pa ring lalaki ang napapalingon sa kanya dahil hindi sya tumaba pagkatapos manganak.

Nakaramdam si Trina ng sakit sa kanyang dibdib. Para bang tinutusok ng isang libong karayom at hindi nya yun mapigilan. Naguguluhan na sya sa nangyayari, nalilito. Hinahanap ang pagkukulang nya sa asawa.

Nang mga sandaling iyon, habang nasa kami si Trina at hindi makatulog dahil sa pag-aalala sa kanyang asawa, ay kasalukuyang nasa motel si Kiel, nakapatong sa isang makinis at batang dalaga na katrabaho nya sa opisina.

"Uhmmm.. Sh!t Kiel, ang galing mo talaga. Ahhh! Ahhhh!" bulalas ng dalagang si Chloe dahil sa natatamong sarap ng pagroromansa sa kanya ni Kiel.

"Ang sarap mo Chloe! Sh1t! Hinding hindi kita pagsasawaan" sagot ni Kiel habang pinaglalaruan ang dibdib ng dalaga.

Mas ginanahan ang dalaga dahil sa narinig nya. Sabik na sabik ito sa lalaking si Kiel na may asawa na. Isang asawa na walang pakialam sa nararamdaman ngayon ng kanyang misis.

Pagkatapos ng pitong taon nilang pagsasama, hindi na nasasarapan si Kiel sa pakikipagtalik sa kanyang asawa, at ito nga ang naisip nyang solusyon. Ang humanap ng babaeng mas makakapagbigay ng ligaya sa kanya sa kama.

Sa isip isip ni Kiel, ibang iba talaga si Chloe kay Trina dahil sariwang sariwa ito.

Si Kiel ang tumulong kay Chloe para makapasok sa trabaho, minsan nga ay ibinibigay pa nya rito ang kalhati ng sweldo nya. Napromote kasi sa trabaho si Kiel kaya mas malaki ang sweldo at hindi nya ito sinabi kay Trina para hindi maghinala kung bakit ganuon pa rin ang sweldo nya.

The Husband Mistake •One Shot•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon