Chapter 2

436 23 0
                                    

UMUWI na kami ng mga kaibigan ko pagkatapos naming makipag-bangayan sa mga chararat na mga bakla at sakto namang pagpasok ko ng bahay ay niyaya na rin ako nila nanay na kumain.

Nakita kong nakaupo si kuya sa may gawing kaliwa at si nanay naman nasa dulong sentro.

"Oh anak nandyan ka na pla , halika na't sumabay kana saamin ng kuya mo ", si nanay

"Opo nay teka lang po at magbibihis lang ako sa taas ", ako

Hinubad ko muna ang sapatos ko bago ako umakyat ng kwarto. Patakbo akong umakyat sa hagdan at narinig ko si kuya Jay na sumigaw.

"Hoy magdahan dahan ka !, Yang paa mo", si kuya

"Oo!", Pabalik kong sabi

Pumasok ako sa sarili kong kwarto at nasilayan ko itong makalat. Simple lang naman ang kwarto , mayroon itong study table malapit sa may bintana at meron ding lamp sa gilid nito . Nilagyan ko rin ng mga pinunit-punit na magazine sa bawat pader nito upang magmukhang makulay ang silid ko.

Nilinis ko na ang kalat sa kwarto ko bago ako bumaba siguro'y nakaligtaan ko munang linisin ang silid ko dahil sa pagmamadali kanina .

Nakita kong patapos nang kumain ang kuya kaya tumayo na siya at sabay sabing ......

"Ikaw ang nahuli kaya ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan natin ", si kuya sabay lakad papuntang lababo

"Ang daya mo ! Sayo kaya ngayon!", Sigaw ko

Si kuya Jay talaga kahit kailan . Magtatapos na pala sa pag aaral si kuya ngayong taong Ito . Hindi masyadong nahihirapan si nanay sa pag papaaral sakanya kasi scholar naman siya at doon siya nag aaral ngayon sa FEU .

Ako lang naman tong nag aaral sa public kasi Ayoko nang mahirapan pa si nanay dahil wala naman syang trabaho na makakapag tustos kung sa private nya ako pag aralin.

Mayroon naman akong tita nasa Dubai sya ngayon gusto nya ako pagralin pero ako lang naman ang humindi kasi ayoko lng.

Jwk ang totoo nyan , ayoko lang talaga magkaroon ng utang na loob sa iba kahit sa tita ko dahil ayokong umabot ang araw na susumbatan ako sa naitulong nya.

Matalino si kuya kaya nakapasok sya agad sa magarang unibersidad na yun at kung makikita nyo para lang syang mukhang tambay dahil sa mga inaasta nya pero habulin ng mga babae yan pati mga bakla at sa pagkakaalam ko ay marami na rin pinaiyak na babae yan.

Hindi naman sa pinagmamayabang ko ay talagang may itsura si kuya gwapo daw siya , yun ang sabi nila . Mestizo , matangkad at matipuno ang katawan kaya hindi na nakakapagtaka na malakas ang sex appeal nya sa mga babae't bakla .

Pero daw sa ngayon stop lang muna sya kasi magfofocus lang muna daw sya pag aaral katulad ko . Valedictorian nga pala yan nung elementary pa lamang sya hanggang mag high school pati ngayong college. Di katulad ko na pasang awa haha jowk actually salutatorian ako di man ako kasing talino katulad ni kuya pero matalino at may utak rin naman ako.

Tinapos ko na ang pag kain ko at nilinisan at hinugasan ko na rin ang kalat ng pinagkainan namin at dumeretso na rin ako sa kwarto ko .

Humiga na ako at biglang may naalala ....

"Oo nga pala yun phone ko , saan ko nga pala nalagay yun alam ko nandito lang yun ehh", ako

Naghanap ako ng naghanap hanap hanap hanap hanap dito hanap doon .

If You Only Knew (GayxBoy) on goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon