Panimula!

2.3K 44 6
                                    

Nagising ako sa parang ingay na nagmumula sa may living room. I wonder kung anong araw ngayon,may okasyon ba?

Nagpunta na ako sa bathroom at naghilamos at toothbrush. Kung ang mga tito at tita ko ang nandito,panigurado,nandito na din ang mga pinsan ko.

Agad akong nagbihis at excited na lumabas ng aking kwarto. Sobrang close kasi kaming magpipinsan,at tuwing magkakasama kami ay walang patid ang aking kasiyahan.

Grade six na ako ngayon,at aaminin kong hindi ako normal na lalaki. Alam ko sa sarili kong binabae ako,nakikita at alam ito ng mga pinsan ko pero hindi ito alam ng mga tito at tita ko,pinagtatakpan nila ako,takot kasi kami na ikahiya nila ako.

Pagdaan ko sa living room ay nandun nga ang mga tito at tita ko,kausap sina Mama at Papa. Tahimik sila ng makita ako,nagtaka ako pero sa edad kong ito,ay hindi ko muna iyon binigyang pansin at dumiretso ako sa labas.

"Gising na si Happy!" ang masayang bungad sa akin ni Vhien. Nakangisi akong lumapit sa kanila.

"Anong meron?" ang agad kong tanong at tiningnan ang mga ginagawa nila.

"Ewan,hindi din naman nila sinasabi." ang kibit balikat na sagot ni Veron. First year high school na sya.

"Usapang matatanda. Alam nyo na." ang sabi naman ni Drea.

"Mukhang seryoso nga! Kasi tumahimik sila nung dumaan ako." ang nakangiti ko pang sabi at napatingin sa nananahimik na si Klaxen. Sa lahat ata ng pinsan ko,sya ang medyo hindi ko kaclose,tahimik kasi sya at suplado.

"Pabayaan na lang natin! Maglaro na lang tayo!" sabat ni Benedict.

"Ano namang laro kuya?" tanong ni Anjean na kapatid ni Benedict. Si Klaxen ay solong anak gaya ko. Si Veron at Vhien naman ang magkapatid.

Ang mga nakakatanda naming pinsan ay may mga asawa na,ang iba ay nasa ibang bansa.

"Beauty contest! Si Happy ang kunwaring reigning beauty Queen!" masayang sabi ni Vhien at pumalakpak pa. Napangiwi ako,hindi kami pwedeng maglaro ng ganun din,paniguradong lagot ako.

"Tss! Gusto nyo bang mapagalitan at mabuking si Happy? Lahat tayo ay malilintikan." iritadong di pag sang ayon ni Klaxen.

"Tama si Klax. Tagu-taguan na lang." sabi naman ni Benedict.

"Good idea! Si Anjean ang taya!" ani Vernon at nanakbo na. Hudyat na simula na ng laro,kaya lahat kami ay nanakbo na rin para makapag tago para hindi na makapag reklamo si Anjean.

Malaki itong ancestral house namin dito sa Sta.Barbara. Kami nina Mama at Papa na lang ang nakatira dito dahil mas pinili ng mga tito at tita ko na bumukod ng magkapamilya na sila.

Sa loob ako ng bahay nanakbo,hindi kami pwede sa hacienda dahil mahihirapan maghanap si Anjean. Wala akong makitang ibang mapagtataguan kundi yung malaking cabinet sa likod ng hagdan na malapit lang mismo sa living room.

Pagpasok dun ay nagulat ako dahil nandun si Klaxen,uurong na sana ako pero hinila nya ako papasok sa loob ng cabinet.

Hindi ako mapakali,kinakabahan ako dahil baka mapagalitan kami ng mga magulang namin.

"That's the only thing na magagawa natin Hero!" boses iyon ng Papa nina Benedict at Anjean.

"Pero kuya! Anak ko iyon! At kadugo natin iyon!" sagot ni Papa.

"Walang bakla sa atin Hero. Hindi sya tanggap sa pamilyang ito." sabi naman ng Papa nina Veron at Vhien.

"Hindi kami payag sa gusto nyo Kuya Axel at kuya Vhaugn." boses iyon ni Mama at parang umiiyak. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam kong ako ang pinag uusapan nila,ito yung kinakatakutan ko.

"Klax. Alam na nila." ang mahina kong sabi at napahikbi.

"Sshh.. Don't cry,makinig muna tayo." at niyakap ako ni Klaxen. Ito ang first time na niyakap nya ako.

"Hindi magugustuhan ito nina Mama at Papa." ani Uncle Carl,ang papa ni Klaxen.

"Ako ang masusunod. Ako ang panganay. He's a disgraise to this family." final na sabi ni Uncle Axel. Parang sasabog na ang dibdib ko,kahit anong pigil sa akin ni Klaxen na huwag umiyak ay hindi ko mapigilan. Lumabas ako sa cabinet at sumunod si Klaxen. Napatingin sila sa amin.

Direderetso ang pagbuhos ng luha ko. Akala ko matatanggap nila ang pagkasino ko dahil pamilya nila ako at kadugo nila ako. Pero bakit ganito? Hindi nila ako gusto at itinatakwil nila ako? Kasalanan ko bang maging ganito ako?

"Happy anak!"

"Mas mabuti ng nadinig nya." sabi ni Uncle Axel. Isa-isa ko silang tiningnan. Ang mga tita ko ay tahimik at parang guilty.

"Sa labas na muna tayo Happy." ani Klaxen. Marahas kong pinunasan ang aking mga luha at nanakbo palabas ng bahay. Gusto kong lumayo,gusto kong mapag isa. Gusto kong lumayo sa kanila.

Nalampasan ko sa labas ang mga pinsan ko,tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Sobrang sama ng loob ko. Akala ko pag pamilya ay kaya ka nilang tanggapin,pero hindi pala,nagkamali ako. Ikinahihiya nila ako,hindi nila tanggap na may bakla sa pamilya nila.

Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng aming Hacienda,pero pakiramdam ko hindi na ito sakop ng aming lupain dahil hindi ko na ito kabisado.

Napaupo ako sa lilim ng isang puno,sobrang sakit na ng mga paa ko,pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ko. Sumandal ako sa puno at umiyak ng umiyak.

"Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa lupain namin?" sabi ng isang boses na ikinatigil ko sa pag iyak. Pinigil ko ang hikbi ko. Namangha ako sa kanya,ang gwapo nya,siguro nasa mga 1st year o second year high school na sya,kahit madumi ang suot nya ay gwapo pa din sya. "Bakit ka umiiyak? Bakla lang ang umiiyak." salubong ang mga kilay na sabi nya ng hindi ako sumagot.

"Ano bang pakialam mo? Umalis ka na nga!" singhal ko sa kanya.

"Bakit ako aalis? Eh lupa namin ito? Ikaw ang umalis,tresspassing ka!"

Sa sinabi nya ay agad akong napatayo.

"Aalis na!" ani ko at inirapan sya. Agad na akong naglakad palayo. Nang malayo na ako ay nilingon ko sya,nakatingin pa din sya sa akin. Napangiti ako.

Ano kayang pangalan nya?

Naglakad pa ako ng naglakad. Palubog na din ang araw at kumakalam na ang sikmura ko. Ang bilis naman ng oras,ni hindi ko namalayan.

Nang magdilim na ay kinabahan na ako. Tumigil na din ako sa paglalakad dahil nahihilo na ako. Hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko.

If The Feeling is Gone (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon