Chapter 2

1.4K 89 49
                                    

Isang araw,dahil walang magawa sa bahay,at hindi ko din naman pinapansin ang mga magulang ko,tito't tita ko,pati mga pinsan ko ay naisipan kong magpunta na lamang sa bayan at magliwaliw. Mas gugustuhin ko pa sigurong nandun kesa makita ang mga pagmumukha nilang lahat.

Naiinis ako sa kanilang lahat. Hindi nila ginagamit ang mga utak nila para gumawa ng paraan,tapos eto ako ngayon at nagpaplano ng masama mabawi lang ang titulo ng hacienda.

"San ka pupunta?" pababa na ako ng hagdan ng mapalingon ako sa nagtanong.

Si Klaxen,nasa sala at naka upo sa sofa.

Hindi ko sya pinansin at tumuloy ako sa pagbaba. Dumiretso ako sa pinto at naramdaman kong sumunod sya.

"San ka pupunta Happy?" anito at hinawakan ako sa braso,kaya inis akong humarap sa kanya.

"Wala kang pakialam." ani ko at tinalikuran sya. Nagdirederetso ako ng lakad hanggang sa makalabas ako ng gate.

"Youve change a lot,Happy." aniya na sinusundan pa din pala ako. Bahala sya dyan mapagod sa kakasunod sa akin. "Hindi ka naman dating ganyan."

"Naging ganito ako dahil sa inyong lahat kaya huwag kang magtaka." walang emosyon kong sabi habang patuloy na naglalakad. Mainit pero kaya ko namang tiisin,mahaba pa ang lalakarin makalabas lang sa pinaka gate ng hacienda.

Hindi sya nagsalita. Pero ramdam kong naka sunod pa din sya. San nila dinala mga utak nila? Bakit nila pinabayaang umabot sa ganitong sitwasyon? Pinabayaan nilang lumubog ang family company namin sa manila,hindi pa sila nakuntento sa dami ng utang nila,sinanla pa nila ang hacienda na pinaghirapan nina Lolo at Lola. I hate all of them,I really do.

Pagdating sa gate ng hacienda ay pawisan na ako at hingal na hingal. Bakit ba hindi ako tumawag ng masasakyang kabayo?

"Sa bayan ka pupunta diba? Samahan na kita." ani Klaxen. Hindi ko alam kung bakit sya ganyan,hindi ko naman sya masyadong close.

"Bahala ka." ani ko. May dumaang trycicle at pinara ko ito. Pumasok na ako pumasok na din sya. Hindi ko sya kinikibo. Sa lahat ng pinsan ko,si Klaxen naman talaga ang hindi ko masyadong nakaka usap.

Oo nga at sya ang kasama ko nung matuklasan kong balak akong ipatapon ng mga tito at tita ko,pero hanggang dun lang yon.

Aaminin ko,nagulat ako ng makita sila,ang gagwapo at gaganda nila lalo,lalo na itong si Klaxen. Namiss ko sila pero mas nangingibabaw ang galit ko.

Pagdating sa bayan ay ang daming bumabati kay Klaxen,nginingitian at ginagantihan naman nya ito ng pagbati at pag ngiti.

"Klax,sino yan?" tanong ng isang lalaking naka salubong namin at tinitigan ako saka ngumisi. Hindi ko siya kilala,hindi niya ako kilala,bakit hindi? Eh hindi naman ako dito lumaki.

"Pinsan ko. Hindi mo ba sya natatandaan?" sagot ni Klaxen. Tumingin ako sa paligid,saan ba magandang pumunta?

"Really? May pinsan pala kayong bakla? Akala ko walang bakla sa mga Altamerano?" anito.

Tiningnan ko ito ng masama at tinaasan ng kilay. How dare this guy? Harap harapang panglilibak sa pagkatao ko yon ah?

"Bawiin mo ang sinabi mo?" seryosong sabi ni Klaxen dito. Pero hindi ko kailangan ng tulong nya.

"Nagbibiro lang si Klaxen. Hindi nya ako pinsan. Saka totoong walang bakla sa kanila. Nakakahiya kaya sa mga Altamerano." sabi ko at ngumisi.

Tiningnan ako ni Klaxen na tagis bagang. Alam kong double meaning ang sinabi ko,pero totoo naman,nakakahiyang maging Altamerano,dahil kahit sariling kadugo ay itinatakwil.

If The Feeling is Gone (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon