Chapter 1

1.5K 52 9
                                    

"Ito ba ang mukhang naghihirap?" I said. Natahimik sila at lahat ay nilingon ako. At gusto ko ang nakikita kong pagkagulat sa kanilang mga mukha.

"H-happy?" maluha luhang sabi ni Mama. Si Papa naman ay tumayo. Ang mga tito at tita ko ay parang hindi pa din nakaka recover sa pagkagulat.

"Ako nga. Kamusta kayo?" ngumiti ako. Ayokong isipin nila na masama pa din ang loob ko,kahit na iyon naman ang totoo. Para sa pamilya at pagbawi ng mga lupain namin ay i-isang tabi ko muna ang aking damdamin.

Sunod kong tiningnan ang mga pinsan kong natahimik din. Guilty ba sila? Dapat lang,kung kailan kailangan ko sila ay saka nila ako tinalikuran,magkakadugo nga sila.

"Anak!" Hindi na nakatiis si Mama,lumapit sa akin at niyakap ako,pero hindi ako gumanti ng yakap. Sumunod si Papa,ganun din,wala akong ipinakitang emosyon.

Lumapit na din ang mga pinsan ko,mga nakangiti na sila,but I doubt if they're really happy na nandito ako. Kaya agad din akong nagsalita.

"I have no time for this. Available pa ba ang dati kong kwarto?" tumango si Mama. "Well then,don't worry hindi ako magtatagal,akala ko kasi nasa putik na kayong lahat kaya umuwi ako,hindi pa pala. Sayang naman." pinuntahan ko sa gilid ng pinto ang dalawang maleta. Hinila ko ito paakyat sa hagdanan at dumiretso ako sa dati kong kwarto.

Pagpasok sa kwarto ay para akong sinalubong ng kung ano. Bumigat ang pakiramdam ko,walang pinagbago ang kwarto,pero ang kwartong ito ang saksi sa pagdurusa ko noon.

Inilapag ko ang dalawang maleta sa gilid ng kama at naupo ako sa kama. Napaisip ako,bakit parang hindi naman ata sila naghirap? At kung totoo man,anong maitutulong ko? Hindi pa ganun kalaki ang perang naipon ko para ipang tubos. Anong silbi nila? Pati ng mga pinsan ko. Lumubog na nga ang family company namin,pati itong hacienda dinamay pa nila,hindi na sila nahiya sa mga ninuno namin. At isa pa,pwede namang humiram sa banko hanggang makabawi ang family company namin sa Manila. I bet,wala silang ginawa.

Natigil ako sa pag iisip ng may kumatok. Kinuha ko agad ang maleta at nagkunwaring inaayos ko ang aking mga gamit.

"Welcome back!" boses iyon ni Vhien. Hindi ako lumingon.

"Namiss ka namin cuz'" dagdag ni Drea. Nilingon ko sila saglit.

"Talaga?!" kunwari ay interesado kong sabi. Pero hindi ko maitago ang pait.

"Oo sobra! Lagi ka naming pinag uusapan,pati yung mga ginagawa natin dati." nakangiting sabi ni Anjean. This time ay hinarap ko na silang tatlo.

"Parang hindi naman. Sana hindi nyo na lang ako pinag usapan tulad ng hindi nyo na pagpapakita sa akin noon. Sana ang pinag usapan nyo na lang ay kung paano kayo tutulong sa mga magulang nyo na gumawa ng paraan para hindi kayo tuluyang maghirap!" singhal ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko,mas mabuti na itong alam nila kesa magmukha silang tanga.

Nagulat sila sa inasta ko,pero wala akong pakialam. Mas mainam ng alam nilang hindi nila ako dapat kinakausap o nilalapitan.

"T-tungkol dun,gusto naming magpali--"

"I don't care! Get out! Lumabas kayo dito!!" sigaw ko sa kanila habang tumutulo ang mga luha ko. Ang naipong sama ng loob ko sa kanila sa loob ng sampung taon ay nagsisimula ko pa lang ilabas.

If The Feeling is Gone (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon