LIMA

5 0 0
                                    

Nakatayo sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan ang taong nagmamahal sayo.
Napapagod ng tumakbo upang sumilong sa inihanda niyang silong para sa puso niyong hindi magkatugma.
Nagsasawa na sa bawat kulog at kidlat na mag-isa niyang hinaharap.
Hanggang kailan mo siya hahayaang mababad sa malamig na buhos ng ulan?
Hanggang kailan niya hahayaang tignan ka sa malayo, habang nasa ibang silong?
Hanggang kailan niya titiisin ang bawat laban ng mag-isa?
Hanggang kailan siya sa mananatili ilalim ng malamig buhos ng ulan?
Nababasa
Giniginaw
Umiiyak
Umaasa
Nasasaktan
kahit nagmamahal

Pakinggan Mo AkoWhere stories live. Discover now