PITO

2 0 0
                                    

Hindi ako naka-kandado pero pakiramdam ko bilanggo ako
Bilanggo sa sarili kong puso
Bilanggo sa pag-asang pwedeng maging tayo
Bilanggo sa mundong binuo ko
Araw-araw, gabi-gabing umiiyak
Gustuhin ko mang tumakbo, iwan ang bawat ilusyong 'to pero hindi ko magawa
Natatakot ako, nasasaktan ako, napapagod na ako
Gusto kong humingi ng tulong
Gusto kong maging malaya na sa mundong 'to

Hinanap ko, nagpalinga-linga ako sa paligid, kailangan ko ang susi para makaalis sa ilusyong to
pero hindi ko makita
Napapagod na ang puso ko
Pagod na maging ang katawan ko
pero hindi ko makita

Hindi ko makita sa paligid kasi hawak ko
hawak ko ang susi sa kalayaan ko pero pinili kung huwag umalis sa mundong to
Pinili kong mahalin ka ng paulit-ulit
masaktan ng paulit-ulit
umasa ng paulit-ulit.

Pakinggan Mo AkoWhere stories live. Discover now