ANIM

3 0 0
                                    

Sa may pinto mataman na nakamasid ang mga mata ko sa taong nakasandal sa pader
Naka ngiti ang puso ko sa tuwing minamasdan ko siya sa malayo
Ngunit nasasaktan ako sa bawat kurba ng mga ngiti niyang alam kong ibang tao ang dahilan
Pinili kong pagmasdan siya sa malayo, wala akong lakas ng loob na lapitan siya't kausapin
Hindi ko alam kung saan o paano magsisimula kaya't mas pinili kong dito nalang sa isang tabi siya tingnan.
Naiinggit ako sa bawat taong lumalapit sa kaniya't nakikipagtawanan, mga bagay na gusto kong gawin pero malabong mangyari.

Patapos na ang araw at heto pa rin ako nakatingin sa malayo
Patapos na ang araw pero hindi pa rin natatapos ang puso kong umaasa na baka balang araw may lakas na ako ng loob para lapitan ka.

Pakinggan Mo AkoWhere stories live. Discover now