2

220 15 0
                                    




"This is bullshit!" halos maiyak na si Samantha sa inis ng umagang yun. She's not the type to curse, pero she find her management's decision to be so absurd. Pinulot ng kanyang PA ang mga papel na tinapon niya. Parang namang biglang gustong maawa ng dalaga sa nakikitang itsura ng tauhan, she's so scared. Hindi naman talaga siya magagalitin. She's not perfect but she really isn't the type to yell around. Dangan lamang ay talagang galit na galit siya. Her manager sighs bago inokupa ang upuan na nasa tapat niya. Nasa sala sila ngayon nang bahay na nabili ni Samantha 2 years ago. The house cost 25 million and she paid it in cash.


"Sam, listen! Alam mo naman na if I have my way, di ko tatanggapin ang project na ito. I know that you don't want to work with Gab. Pero management decision 'to. And ito ang biggest movie of this year." mahinahon na paliwanag sa kanya ni Marj, ang kanyang manager. She knows everything na nangyari, kaya naman sa mahabang panahon, nauunawaan ng babae na ayaw makatrabaho ng alaga ang gwapong aktor. Not even on a soap opera, not even on a commercial.


But the people are now seeing the strong chemistry between the two. Lumalakas ang ugong na gusto silang pagsamahin sa isang proyekto. And just few days after nila dumating from New York, nilatag sa kanya ang proyekto. Sinulat ng isang premyadong manunulat. Ang direktor ay bigatin. Ang produksyon ay talagang pag-gagastusan. The biggest film of this year. And it is believe to be the game changer.


Any actresses and actors would kill to get the roles, kaya naman isang karangalan na mapili ang kanyang alaga. If only hindi si Gabriel ang leading man......





"Ate Marj naman! Alam mo naman gagawin ko ang lahat. Sige, patalunin nyo na ako sa helicopter na walang double. Kumain na ako ng apoy, pero please naman, wag lang maka-partner si...." Samantha stops. Miski ang pangalan ng lalaki ay ayaw niyang banggitin. He was a nightmare na ayaw na niyang balikan.





"I know, Sam! Pero nahihiya akong tumanggi, baka sabihin na ay nagmamataas na tayo. I don't want them to have an impression na lumalaki na ang ulo mo. We don't like that, do we?" napatingin si Samantha sa manager. Somehow, naiintindihan niya ang babae. Sa kabila ng kasikatan, maipagmamalaki din niya sa lahat ang kanyang professionalism. Never siya nagbigay ng sakit ng ulo sa kahit na sino, from the crew to the directors to the producer. Ayaw niyang mabahiran ang kanyang pangalan. She made her own name, at di siya makakapayag na masira yun ng ganun ganun lang.





"Wala na ba talagang magagawa para hindi na lang yung lalaking yun ang leading man?" pagkuway tanong niya sa manager. Tumayo ito at tinungo ang mini-bar. She need a drink! Mahaba-habang pangungumbinsi ito. Something that she understands. Di birong sakit ang naramdaman ng alaga nang dahil kay Gabriel. At kahit pa na sabihin ng dalaga na wala na sa kanya yun, alam ni Marj na hanggang ngayon, nakakasakit pa din yun kay Samantha.





"Sinulat kasi ang script para sa inyo. Kayong dalawa ang first and only choice. And besides, kung di mo 'to tatanggapin ang project na 'to, baka isipin din ni Gabriel na apektado ka pa din. It's been 7 years, Samantha!" Marj tries her best na wag nang balikan ang nakaraan ng alaga. Pero naniniwala siya na in point, kailangan din ng dalaga na harapin ang lalaki. She can't run and hide forever.





"Hmmm, let me think about it, Ate Marj! Please set up a meeting for me and our management. Gusto ko lang magtanong ng ilang mga bagay before deciding. Oks lang ba yun, Ate Marj" she smiles! Agad din naman yung nagpangiti kay Marj. Yan ang tunay niyang alaga, hindi yung dalagang galit na galit kani-kanina. Her Samantha is sweet, warm, compassionate, bubbly and loving. Sa kabila ng mga narating nito, she remain humble. Pero dahil sa mga nangyari 7 yrs. ago, nagkaron ng lungkot sa mga mata ng alaga at kaibigan. Nabawasan ang malulutong na halakhak. Sinubsob ng dalaga ang ulo sa trabaho.


After All (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon