Nagsimula ang interview nila for mini-reunion na yun na hindi na muling tinapunan ng tingin ni Samantha si Gabriel. Talagang nasasaktan siya. Pilit niyang binibigyan ng dahilan ang nangyari. She knows that Gabriel won't purposely hurt her, di ganun ang lalaki. Pero di niya maiwasang magtampo lalo na nga't nalaman niya na sinundo naman nito si Vina, isa din sa mga nakasama nila sa reality show na yun, at ang isa sa mga ginu-groom na maaring ka-love team ng binata. Why, they look perfect for each other!Sobrang ganda ni Vina, palibhasa ay may foreign blood ito. Her mom is a Filipina and her Dad is a Mexican. Minsan naiisip nga ni Samantha nung nagsabog ng ganda sa mundo, si Vina lahat ang sumalo. The woman is everything she is not. Sobrang puti, habang siya ay morena. Matangkad mga 5'6, while she is 5'4. Ang ilong nito ay napakatangos, habang ang kanya ay well, hindi naman pango, hindi din naman sobrang tangos. At higit sa lahat, ang dibdib ni Vina yung matatawag na GIFTED. Sobrang pinagpala, while yung sa kanya, ay sakto lang.
And in this industry na mas may edge ang mapuputi at anyo na pasado sa stereotype na pamantayan ng kagandahan, mas tinuturing ng mga tao na bagay si Gab at Vina. Bagay na naiintindihan naman ni Samantha. Hindi niya gusto na makigulo sa career ng lalaki, pero ang ikinatatampo niya ay yung nangako ito, ngunit hindi niya tinupad.
Ngayon nga ang lahat ng katanungan ay patungkol sa pagkaka-link sa dalawa. Nakita niya na nagtinginan ang dalawa at pagkatapos ay nagtawanan. She saw Gab put his arm around Vina's shoulder. Ang babae naman ay humilig sa dibdib ng binata habang pabirong pinalo ito dahil sa mga maintrigang tanong tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
There are little pain again. Pakiramdam ng dalaga ay parang tinutusok ang puso ng mumunting mga aspile. Marahan siyang nilingon ni Ellie na agad naman niyang iniwasan ang tingin, ayaw niyang makita na naawa sa kanya ang kaibigan. That's the last thing she want to receive from anyone, awa.
"Eh sila Samantha naman at Dustin? Kayo na ba?" baling ng host sa kanya at sa lalaking katabi. Isang malakas na "uyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!" both from their housemates and the audience ang narinig ni Samantha. Pinilit na ngumiti ng dalaga. Now she knows why the word "showbiz" sometimes used to describe someone who is faking, kasi kailangan mo pala talagang ngumiti kahit deepn inside, nasasaktan ka.
"Hindi pa po! But me and Samantha are good friends. Di ba, Sam?" she heard Dustin answer the hosts' question at pagkatapos ay inakbayan siya nito. Bagay na lalong nagpatili sa mga fans.
"Hindi pa? So, may balak!!" maintrigang dagdag ng host.
"Hmm, I like Samantha! I think she's pretty and nice. Let's see po." natatawang sagot ni Dustin at bigla siyang niyakap. Nangingiting pinagmasdan ni Sam ang lalaki. Paano ito natuto ng pagsagot sagot sa mga interview ng ganun kabilis? He is a fast learner ha! Marunong na ito nang tamang pagsagot sa mga inteview.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi niya alam if Sam is purposely making him jealous by being extra sweet kay Dustin, but if she is, well she is succeding. Naiinis siya sa klase ng pagkaka-akbay ni Dustin sa dalaga.. At mas lalo siyang naiinis how Sam smiles at Dustin so sweetly. Alam niyang nagtatampo ang dalaga. He promised to pick her up today. Talaga naman na papunta na siya sa condo ng babae, when some reporters came to their house. Dahil nga nakitang papaalis na siya, they asked kung sino ba ang susunduin niya. His manager immediately said na he is going to fetch Vina para sabay na silang pumunta sa studio.
His manager reminded him that he couldn't tell to the press that he is going to pick up Sam. And convinced him na sunduin si Vina. Tatanggi sana siya ngunit sinabi ng manager niya na baka may sumusunod sa kanya at maaring makita siya at si Sam. He don't want her to be drag to an issue esp. kakabasa pa lang nito ng isang di magandang write-up patungkol sa kanilang dalawa. He wants to protect Sam his way.
BINABASA MO ANG
After All (on-hold)
Romance"Every journey always brings me back to you....forever you and me, After all." Kaya nga bang pawiin ang sakit ng nakaraan? Kaya nga bang magmahal muli sa kabila ng sakit na nararamdaman? Kailan ba ang tamang panahon para masabing ang pagmamahal ay...