• Chapter 21

2.1K 60 1
                                    

Nick's POV

"Waaaah~ Gusto kong sumakay! Tara! Sakay tayo!" Tumatalon-talon na sabi ni Sked habang nakaturo doon sa umiikot na carousel.

"Para kang bata." Sabi ko sa kanya sabay irap at saka hinanap ang coffee shop na sinasabi ni Cindy.

"Pasakayin na natin." Si Brent habang nilalantakan ang isang cone ng ice cream.

"Oo nga, ikaw talaga napaka-kj mo." Sabi naman ni Zyphro sabay akbay kay Sked.

"Hindi niyo ba nakikita? Puro kaya bata ang sumasakay diyan! Tapos pasasakayin niyo 'yan?! Eh, gurang na 'yan eh!" Angal ko pa.

"High blood na naman siya." Narinig kong bulong ni Clyde.

"Ano?!"

"Wala."

"Grabe ka naman maka-gurang sa akin, kung ako gurang, ano na lang kaya ang tawag mo sa sarili mo?" Nakangusong sabi nito.

"Ano pa ba edi 'sobrang' gurang!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawanan nila.

"Oraaaaayyt!~"

"Nyeh~nyeh~nyeh~" Sabi ko na lang matapos nilang tumawa sa hirit ni Mikael.

"Pwede bang bilisan niyo? You're wasting my time." Reklamo ni Street.

"Eh, sino ba kasi ang may sabi sayo'ng sumama ka rito?! Kung nagrereklamo ka diyan, umuwi ka na lang kasi hindi ka naman namin kailangan dito, alis!" Pantataboy ni Clyde sa kanya.

Nakakainis 'tong mga 'to ang hirap pakisamahan. Iba-iba kasi ng mga ugali nakakaurat. Baka kanina pa kami hinihintay nila ni Snow doon.

"Sakay na hintayin ka namin." Sabi ni Brent saka hinawakan sa braso si Sked at inakay doon sa ticket booth na para bang bunsong kapatid niya lang ito. Bakas naman sa mukha ni Sked ang excitement. Psh, isip bata talaga kahit kailan.

"Iwan na natin, mga bwisit naman iyong mga 'yon sa buhay ko eh." Sabi ni Clyde habang nagkakamot sa batok.

"Oo nga, tsk." Pag sang-ayon ko sa kanya.

"Tara, mauna na tayo." Pagyaya sa akin ni Clyde.

"Tara." Sabi ko saka sabay kaming naglakad. Napatigil naman ako nang may maalala.

"Gago ayaw ko sa'yo." Sabi ko sabay layo sa kanya.

"Mas lalong ayaw ko sa'yo, bwisit ka rin pala sa buhay ko." Sabi rin nito at lumayo rin sakin.

"Tara! Iwan na natin, bilis!" Napalingon naman kami nang sumigaw si Brent at nakita naming nakasakay na doon si Sked sa kabayo habang umiikot-ikot iyon.

Nagulat naman ako noong una dahil tumatawa si Brent na para bang natutuwa sa kalokohang ginawa niya pero 'di ko na lang din iyon pinansin at napangisi na rin kami saka tumakbo.

"H-HOY! WAG NIYO AKONG IWAN!~~" Rinig kong sigaw ni Sked.

"Hayaan niyo! Tara!" Sigaw ni Clyde saka naunang tumakbo.

"HAHAHAHAHAHA! Ulul ka Brent iniwan mo anak mo!" Natatawang sabi ni Zyphro.

"Gago! Di ko anak 'yon!"

"Baka umiyak 'yon! HAHAHAHAHA!"

Napatigil naman ako sa pagtakbo at hinayaaan silang lumayo sa akin. Napahingal ako ng ilang beses bago mag desisyong balikan ang kawawang si Sked na ngayon ay nasa labas na ng carousel at nakabusangot. Konti na lang paiyak na. Gago talaga 'di na nahiya nakaupo pa talaga sa sahig habang nakayakap ang dalawang kamay sa mga tuhod niya.

Snow White and the 7 Daddies ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon