Chapter 40

2K 69 6
                                    

Clyde's Pov

Kauuwi ko lang sa bahay at nadatnan ko naman si mama na may tinatawagan sa kanyang cellphone. Inirapan ko lang ito pero agad niya namang tinapos ang kanyang tawag at hinawakan ako sa aking braso.

"Let's go na baby" sabi nito.

"Ayoko nga sabi!" Sigaw ko sa kanya.

Hinampas-hampas naman ako nito at pinagbabatukan.

"Sinisigawan mo 'ko?! Sinisigawan mo na 'ko?!"

"A-aray--! Ma!"

"Aalis na tayo! Doon ka na mag-aaral simula ngayon! Baby naman, mas gaganda ang buhay natin doon. At saka, makakasama na natin ang dad mo do'n sa Canada" Pangungumbinsi nito sa akin.

"Ayoko, ayokong iwan si Snow"

"Anak naman, gusto mo bang daanin pa kita sa sapilitan ha?!"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi mo 'ko naiintindihan! Magpapaiwan ako dito! Ikaw na lang ang umalis!" Sabi ko at lumabas ulit ng bahay.

"Clyde!"

Naiinis ako sa kanya! Bakit naman kase biglaan?! At saka, anong gagawin ko do'n?! Ayaw kong iwan si Snow! Malapit ko na siyang makuha ulit saka pa 'ko aalis?!

Wag na huy baka biglang bumalik si Brent at kunin ulit ang atensyon ni Snow na dapat ay para sa akin.

Insakto naman na nasa loob na ako ng kotse ko nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Nang tiningnan ko 'yun ay si dad. Sinagot ko din naman agad.

"Dad"

"Are you disobeying your mom?" Halata sa boses nito ang galit.

"Dad, ayaw ko lang talagang umalis dito. Kung gusto n'yo siya na lang po 'yung papuntahin n'yo diyan. Ayaw ko po talaga---"

"Sasama ka! Whatever your reasons are, sasama at sasama ka! We planned everything at ma se-settle na ang lahat ng 'yun kapag makapunta na kayo rito! Kung kaya mong suwayin ang mama mo puwes ako hindi! Do as I say! Hindi ko na gusto 'yang ugali mo Clyde" sabi nito at saka binabaan ako ng tawag.

Galit ko namang inihampas sa manibela ang mga kamay ko.

Nakakainis lang kase pag dating kay dad wala talaga akong laban eh.

At isa pa, ni hindi ko nga alam kung ano ba ang plano nila! Malapit ko nang matapos ang high school saka pa nila ako lilipat?! Tss, nakakainis na.

Imbis na bumaba ay pinaandar ko ang aking kotse at dumiretso pabalik doon sa condo ni Snow kahit madilim na.

Snow's Pov

"Wow~ Salamat" sabi ko matapos akong hainan ni Mikael ng hapunan na niluto niya. Marunong naman siyang magluto, mas magaling lang talaga sila ni Nick.

Umupo ito sa tabi harap ko at sabay kaming kumain.

"Sarap ha?" Natatawang sabi ko matapos higupin ang sabaw.

"Nang-aasar ka ba?"

"Ito naman, pinuri na nga itong luto mo ikaw pa itong galit"

Sasagot pa sana ito nang biglang may nag doorbell. Tumayo naman siya agad at tiningnan kung sino 'yun.

Ilang segundo pa ay bumalik ito at nagulat naman ako nang makitang kasama niya na si Clyde.

"Oh? Bakit ka nandito?"

Snow White and the 7 Daddies ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon