Faye's Point of View"Ms. Acosta, are you with us?" Bahagya akong natauhan ng marinig ang malalim at maawtoridad na boses ni Mr. Villanueva. "Yes sir." Nasabi ko nalamang bago itinuon ang atensyon sa itinuturo niya. Masyadong marami akong iniisip ngayon.
Agad akong nasiglahan nang marinig ang malakas na pagtunog ng bell hudyat na labasan na ng mga estudyante para bumalik sa kani-kanilang dormitory. Dali dali ko nang inayos ang aking mga gamit bago lumabas ng room. Agad sumilay ang mga ngiti sa aking labi ng makasalubong ko ang lalaking nagpapatibok sa puso ko araw araw.
"Hi babe" nakangiting sabi niya sakin. Napangiti naman ako ng matamis nang may maisip ako "Kain tayo sa labas?" Sabi ko sakanya na bahagyang nakapagpatigil pero nagkibit balikat na lamang siya bago tumango habang nakangiti.
Naglakad na kami papunta sa isang tindahan na may street foods. "Ate pabili nga po ng sampung siomai." Agad nagtakad ng 10 siomai si ate sa isang plato. Inabutan ko na siya ng bayad tsaka kami naupo ni brylle sa isa sa mga lamesa dito.
Habang kumakain kami nagtitinginan kami tapos biglang tatawa ng walang dahilan. "I love you faye." He said while smiling sweetly. "I love you more."
Napangiti nalang ako ng mapait habang inaalala yung huli naming pagkikita ng lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Paano niya nagawa sa akin ang bagay na yon. Sa pagkakaalam ko'y wala naman akong ginawang mali. Lahat ng pangako namin ay tuluyan nang napako. Pagbaon sa limot nalang ang nakikita kong tanging solusyon. Nakakapagod na rin kasing umiyak. Nakakapagod iyakan ang taong di ka man lang pinahalagahan at mas malala, pinaglaruan ka lang.
Pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata ko bago napagdesisyunang itext ang bestfriend ko. Habang nagtetext ako ay lumalabo ang aking paningin dahil sa mga suwail kong luha na patuloy sa pagdaloy mula sa aking mata pababa sa basa kong mga pisngi.
Me:
Bestpend pede ba tayong magkita?Maya maya pa'y nagvibrate na ang phone ko na nagsasabing may natanggap na akong reply.
Unknown:
Huh? Hudis?Nangunot naman ang noo ko sa nireply niya. Naamali ba ko ng pagsesendan nito? Humingi nalamang ako ng paumahin matapos malaman kung anong kahihiyan nanaman ang nagawa ko.
Me:
Sorry wrong sentHindi ko na nahintay yung susunod niyang nireply dahil nakatulog na ako.
--Follow me on twitter ; @charie_tol
BINABASA MO ANG
Wrong Sent
Teen Fiction"there's nothing wrong with you. Stop blaming yourself. You tried to be good to someone who wasnt good for you. "-bryce