Chapter 2

6 0 0
                                    

Faye's Point of View

Naalimpungatan ako mula sa aking pagkakatulog nang may naramdaman akong bahagyang pag vibrate ng aking phone. Agad nagpakita ang number ng isang di pamilyar na numero sa screen ng aking phone. Sa pagkakatanda ko ay ito yung number na nagkamali kong masendan kahapon.

Unknown:
Goodmorning.

Napangiti nalang ako nang mapagtantong mukha hindi naman pala masamang ma-wrong send rin. Agad akong nagtipa ng mga letra upang may maireply sa kanya.

Me:
Goodmorning rin.

Di ko na hinintay pang makareply siya at tumayo na ko para makapaghilamos ng mukha bago nagtimpla ng kape. Napangiti ako ng mapait ng muli nanamang maalalang nagiisa na lang pala ako.

Iniwan na ko ng taong sinasandalan ko dati. Pinilit ko na lamang hindi pansinin ang mga memoryang pilit nanunumbalik sa akin bago sumimsim sa ginawa kong kape.

Unknown:
Bryce nga po pala

Me:
Ah, Im faye.

Bryce:
Acosta?

Me:
Yes. You know me?

Bryce:
Of course. Taga st. Benedict?

Me:
Yeah haha. Hi schoolmate?

Bryce:
HAHAHAHAHAHAHA


Bahagya akong natawa sa kabaliwan niya. He is a blessing from the above. Kahit papaano ay napapagaan niya ang nararamdaman ko sa kabila ng sakit na nararansan ko.


--

Follow me on twitter ; @frzendlndn

Wrong SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon