Chapter 3

7 0 0
                                    

Faye's Point of View

Tumayo na ako bitbit ang papel na sinagutan ko para sa pagsusulit. Ako pa lamang ang tapos kaya lumabas na ko para makauwi na at magpahinga. Naligo muna ako pagkarating sa bahay bago nahiga sa kama.

Nang hihiga na ako ay saktong nag-vibrate ang phone ko. Agad nawala ang kunot ko sa noo nang makitang si bryce lang naman pala ang nagetxt.

Bryce:
Hi. Naglunch ka na?

Me:
Di pa eh. Ikaw?

Bryce:
Oo na kakatapos lang

Me:
Ah ok

Bryce:
Meet tayo ok lang?

Makikipagkita ba ko?

Ilang minuto pa akong nagisip bago nabuo ang aking desisyon tsaka nagtipa ng mga letra.

Me:
Sorry marami pa kong gagawin e.

Bryce:
Ah, ok lang hahaha sige tapusin mo na yan.

Napabuntong hininga nalamang ako nang marealize kong marami pa nga pala talaga akong kailangang gawin.

Tumayo na ako sa aking higaan tsaka nagsuot ng jeans at black na jacket saka sinuot yung converse ko. Lumabas na ako ng bahay sakay ng bike ko.

Makalipas lang ng ilang minuto ay nakarating na ako sa isang napakalaking cafe shop. Pumasok na ako at nagpunta sa counter.

"Miss, pwede po bang magapply dito ng trabaho? Sino po ba ang manager niyo dito?" Tanong ko agad. Agad namang nakangiting itinuro ng dalaga ang isang pinto na may nakalagay na 'Office of the manager'.

Iniwan na ako ng babae doon at saka ako kumatok ng tatlong beses sa pinto. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang isang matandang lalaki na may maamong mukha.

"Hija maupo ka muna." Sabi sa akin ng matandang lalaki. Tumango naman ako saka nakangiting naupo sa isa sa dalawang upuan sa kanyang lamesa.

Nagusap kami ng matanda at sinabi niya sa akin na kailangan ko lamang magbigay ng mga requirements para bukas ay makapagsimula na ako ng trabaho. Hapon ang schedule ko na laking pinagpapasalamat ko dahil umaga lang naman ang pasok ko.

Lumabas na ko ng cafe shop at sumakay na ng bike ko. Tumigil muna ako sa isang store para kumain.

Agad akong kumuha ng jampong at nagbayad sa counter. Nilagyan ko ito ng mainit na tubig saka hinintay na maluto. Naupo ako sa isa sa lamesa dito saka nagsimulang kumain.

Napaubo ako sa anghang na gumuhit sa aking lalamunan. Kailangan ko ng tubig wtf. Nagulat nalang ako nang may isang bote ng tubig ang naglapag sa tabi ko. Bahagya akong nainis sa mga salitang binitawan ng lalaking may ari ng kamay na may hawak sa tubig na ito. "Kakain-kain ng maanghang di naman pala kaya"

Agad akong tumayo para harapin ang lalake. "Pake mo ba?" Matabang na sabi ko na bahagyang nagpatawa sa lalaking to. Tss. "Your welcome." Sabi niya saka iniwan ang bote ng tubig sa lamesa bago siya tuluyang umalis.

Sino ba ang lalaking yon. Ininom ko na lamang ang tubig na binigay niya. Kalahati palang ang naiinom ko nang may mapansin akong papel na nakadikit sa bote.

'Ang sungit mo pala sa personal. Hayys'


---

Follow me on twitter ; @frzendlndn

Wrong SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon