Gapangin mo ako Saktan mo ako Chapter 14

2K 39 11
                                    

---

Chapter 14

Eksaktong alas-siyete na at nasa fountain park na si Dimitri. Sabik na sabik na siyang makita si Angelo. Sinikap niyang magpagwapo para kay Angelo, inagahan niya pa ang paghintay dahil naniniwala siyang mas mabuti pang maging maaga kaysa sa paghintayin ang maaga.

Bakit ba ako nasasabik kapag andiyan si Angelo? Kanina lang bago kami nagkita tapos ngayon, namimiss ko na siya? Hay nako, pag-ibig nga naman. Sagutin mo na kasi ako Angelo! Try ko ngayong gabi, sasagutin mo na ako. Kapag hindi, tuloy ang laban! Walang atrasan.

Nag-7:10 na, ngunit hindi pa rin nakarating si Angelo. Marami nang mga nagpapacute sa kanya habang naghihintay siya kay Angelo. Pati mga babae na tiga-sorority panay ang porma sa kanya. Hindi naman ito pinapansin ni Dimitri. Magaganda nga at seseksi nang mga tiga-sorority, pero napako na siguro siya sa halimuyak ni Angelo. Kaya kahit gaano kaakit-akit pa ang babae, hindi na niya ito pinapansin.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makita niya si Maryanne. Si Maryanne ang naging girlfriend niya, ang babaeng nagpamulat sa kanya na mahal niya si Angelo. Tinitignan niya si Maryanne, maganda pa rin, matangkad, kaakit-akit. Sa tangkad ni Maryanne na 5'10", maraming nagkakandarapa sa babaeng ito. Ngunit si Dimitri lang ang kanyang pinili... at minahal.

Patingin-tingin siya kay Maryanne. Maya-maya ay napansin ni Maryanne na nakatingin si Dimitri sa kanya. Kumaway at ngumiti si Dimitri nang mapansin niyang lumingon si Maryanne sa kanya. Ang gwapo pa rin. Walang kupas. Hot! Grrrr. Sa isip ni Maryanne.

Si Maryanne naman, kumaway at ngumiti rin.

"Teka lang girls ha. Una muna kayo, doon muna ako sa ex ko." Matamis na ngiti ni Maryanne sa mga kasama.

"Sige Maryanne. Sa gym lang kami. Nandoon si Papa Gab ko!" Tili ni Corina habang nakatingin kay Dimitri. Napansin din ni Dimitri si Corina na nakatingin sa kanya at nanlamig ang kanyang lalamunan.

Lumapit si Maryanne kay Dimitri. Si Dimitri, kahit nasaktan sa pakikipagbreak kay Maryanne, masaya naman dahil nalaman niyang si Angelo pala talaga ang mahal niya.

"Uy, Dimitri. Kamusta ka na? Gwapo natin ngayon ah." Sabay tapik kay Dimitri.

"Hi Maryanne. Okay naman. Oo, papasyal kasi kami ni Angelo ngayong gabi eh." Sabay ngiti.

"Mabuti iyon. Balita ko nga drop niyo na ang hottest love team, at saka sweetest lovers na raw kayo ngayon." Tumawa si Maryanne.

"Sana nga. Wala pa eh. Hahahaha." Tumawa na rin si Dimitri.

"Mabuti at nakikita na kitang ngumiti ngayon Dimitri. Masaya ako." Seryosong tugon ni Maryanne sabay ngiti.

"Salamat Maryanne." Sabay tapik kay Maryanne.

"Saan?" At umupo ito sa tabi ni Dimitri.

"Sa pagpamulat mo sa akin, na mahal ko si Angelo."

"Obvious naman sa'yo eh. Bakit ka naman magpapakagago kung wala ang kaibigan mo, eh kaibigan mo naman lang siya? Nakita ko sa'yo, masyado ka kasing affected sa paglayas niya. Akala mo gugunaw na ang mundo." Tumawa si Maryanne.

"Pero alam mo Maryanne... Minahal din naman kita eh." Natigilan si Maryanne sa narinig. Tiningnan niya lang si Dimitri, nakayuko ito at tila nahihiya sa sinabi.

"Alam ko naman iyan Dimitri eh. Minahal din naman kita. Pero ayaw kong hadlangan ang isang wagas na pag-ibig. Tsaka, masakit ano! Nang sinigaw mo ang pangalan ni Angelo na may I love you pa, nasaktan ako! Hahahaha, pero ayos lang iyon. Moving on na nga ako ngayon eh." Napabuntong-hininga si Maryanne.

Nahiya si Dimitri sa narinig. Mahal naman talaga kasi siya ni Maryanne eh, at mahal niya rin si Maryanne. Kaso, naramdaman niyang may kulang sa mga panahong magkasama sila. At naramdaman niya ang pagkawalang iyon nang nawala si Angelo. Kaya totoo rin naman ang sinabi ni Maryanne.

Gapangin mo ako Saktan mo ako Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon