Gapangin mo ako Saktan mo Ako Chapter 21

2.8K 49 10
                                    

---

Chapter 21

"I'm here for you, because it's sad to dream of a false reality - alone."

"Dahil kung katauhan na ng tao ang pag-uusapan, walang masama at walang tama, ang mahalaga huwag mong hayaang diktahan ka ng iba."

-Angelo Montemayor

---

"NAY! NAYYYYY!" Sigaw ni Angelo habang hindi mapakali. Kitang-kita niya ang papag nila na unti-unting nilalamon ng apoy. Nasusunog ang hanay ng kanilang mga bahay. Abalang-abala ang kanyang mga kapitbahay sa pagbubuhat ng mga bagay na pwedeng isalba, ngunit ang inaalala ni Angelo ay ang kanyang nanay. Alam niyang nasa loob pa ito dahil hindi niya nakikita ang kanyang inay sa paligid.

"ANGELO!! ANG NANAY MO HINDI PA NAKALABAS!!" Sigaw ng kanilang kapitbahay na akay-akay ang kanyang anak.

Tama ang kanyang hinala. At hindi niya kayang mawala ang kanyang nanay. Matitiis ko si Dimitri at ang mga pananakit niya. Matitiis ko ang pang-aapi ni Gio. Mahihintay ko ang pagdarating ni Angela kung sakaling buhay man siya. Ngunit hinding hindi ko makakaya na ang nanay ko ang mawawala. Hinding hindi. At tumulo na ang kanyang mga luha.

Walang pagdadalawang-isip ay sinuong niya ang nag-aalab na apoy. Pinasok niya ang kanilang bahay kahit nababalot na ito ng apoy. Nang makapasok, dumiretso siya sa kwarto ni Aling Martil, ngunit nakalock ito. Sinubukan niyang itulak ang pintuan ngunit hindi bumubukas ang pintuan. Parang may bumabara sa pintuan.

Tinipon niya lahat ng lakas niya at kumawala ng isang malakas na tulak. Bumukas ang pintuan at kitang-kita niya ang kanyang ina na hindi na gumagalaw at binabarbecue ng apoy.

"NAY!" Hindi na nag-isip si Angelo at binuhat niya ang kanyang inay na halatang buhay pa dahil humihinga pa si Aling Martil, nakadilat ito at tumitingin-tingin sa paligid. Natutuyo kaagad ang kanyang mga luha dahil sa init ng apoy na bumabalot. Sinusubukang igalaw ni Aling Martil ang kanyang paa ngunit grabe na ang paso sa kanyang balat sa binti at paa. Kaya hindi makagalaw si Aling Martil at kahit magsisigaw man siya ay walang tutulong sa kanya - dahil matagal na siyang pipi.

Kahit mainit at numinipis ang hangin ni Angelo, sinikap niyang buhatin ang kanyang inay. Habang buhat buhat niya ito, panay naman ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Nay... Hindi tayo mamamatay... Nay ikaw na lang ang pag-asa ko... Please naman kahit ikaw na lang ang matira... Nay!!

Palabas na sana siya ng bahay nang hindi na niya makita ang eskinita pabalik ng barangay road nila mula sa loob. Nalilito na siya at hindi niya alam kung saang direksyon na siya nakaharap. Paikot-ikot na siya at sinikap niyang hanapin ang daan palabas ng bahay nila. Kung tutuusin maliit lang naman ang bahay nila, pero dahil sa kapal ng usok, init, at malabong paningin, hindi masasabing simple sa lahat ang paghanap ng daan palabas lalo na't akay-akay ang mahal sa buhay.

Umiiyak na si Angelo. Dahil nalilito na talaga siya, hinalikan niya sa noo ang nanay niya. Tinignan naman siya sa mata ng nanay niya at hinaplos ang mukha.

Nang disidido na siyang magsugal sa isang direkson, kaagad niyang sinunggaban ang direksyong ito sa pag-aakalang ito na ang daan palabas.

Ngunit malas nga naman, sa konkretong dingding ng kapitbahay sila humampas ng nanay niya.

Dahan-dahan siyang nahilo, dumidilim ang kanyang paningin, bumibigat ang kanyang hininga, nanghihina ang kanyang mga tuhod, hanggang napahiga na lang siya. Nahulog siya sa sahig pati ang kanyang inay. Gustong bumangon ni Aling Martil upang akayin palabas si Angelo, ngunit hindi niya kaya dahil sa laki at bigat ni Angelo.

Gapangin mo ako Saktan mo ako Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon