"Mistakes are a part of being human. Appreciate your mistakes for what they are: precious life lessons that can only be learned the hard way."
- Al Franken
CHAPTER 6
"Shit! What are you doing here?" pasigaw na tugon ng binata.
"Oops! Be kind to me, I just wanna visit my brother!"
Nagsalubong ang mga kilay ni Knox at ang mga kamay niya ay napakuyom. Samantalang lalong lumapad naman ang ngiti sa mukha ng kausap.
"Brother? What the hell!"
Ngumisi ang dalaga na lalong nagpadagdag sa mataas na tensyon sa loob ng opisina. Hindi maikakailang lubhang natutuwa ito sa nangyayari.
"Just kidding! Pero malay natin, hindi ko kilala ang daddy ko kaya may posibilidad na baka kapatid din kita tulad ni Aaleyah."
Mabilis na umiling ang binata. Alam na alam niyang hindi iyon mangyayari. "Shut up, Roxie! Bakit nandito ka? Kailan ka pa nakalaya?"
Hindi agad tumugon ang dalaga. Naglakad muna ito papunta sa upuan at saka umupo. Marahan nitong pinagmasdan ang larawan ng ina ni Knox na nakapatong sa lamesa.
"You should ask your one and only love, she will tell you why I'm free."
Lumapit si Knox sa kanya, "You need to tell me now!" Gusto na niyang malaman ang dahilan kaysa patagalin pa.
Ipinihit ng dalaga ang kanyang ulo paharap rito. Wala ito sa wisyo para magkuwento ng mga nangyari sa kanya at kung paano ito nakalaya sa kulungan. Subalit umagaw sa kanyang atensyon ang kasalukuyang pinagdadaanan ni Knox sa buhay.
"Wait a minute...wala na kayong komunikasyon ni Hailey? Oo nga pala, kasal na siya! Oh poor prince, kawawa ka naman dahil napag-iwanan ka na," sarkastikong sambit nito.
Hindi na kumalma ang damdamin ni Knox. Patuloy sa pagtaas ang kumukulo niyang dugo dahil sa mga sinabi ng dalaga. Gustong-gusto niyang magsalita at sigawan ito subalit wala siyang masambit. Umatras ang kanyang dila, natigilan siya at napaisip sa narinig. May katotohanan ang ibinato ni Roxie sa kanya, kasal na si Hailey at napag-iwanan na talaga siya.
Tumalikod na lang ang binata. Ayaw niyang pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon niya. Nakakaawa, kahit siya ay naaawa rin sa sarili.
Naglaho ang ngiti sa mukha ng dalaga. Naramdaman nitong sumobra na ata siya. "I'm sorry. I know it's hard and letting go of someone you love is not that easy. Alam ko ang pakiramdam kaya patawad, sumobra ako. Wala naman akong balak manggulo, Knox."
Nanatiling nakatalikod sa kanya ang binata. Wala itong balak manggulo ngunit ang pagpapakita nito ay nagbigay daan sa nagbabadyang kaguluhan.
Sandaling namayani ang katahimikan sa paligid. Sumeryoso ang dalaga, tumikhim ito bago nagsalita, "I'm here because I need your help."
Agad na humarap sa kanya si Knox, "Tulong? At sa akin pa talaga? Ano bang binabalak mo ha? Hindi ka pa ba masayang nawasak ninyo ang mga buhay namin noon?" May lalim at diin ang bawat katagang binitawan niya. Mapapansin din ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay dahil sa hindi mapigilang inis na nararamdaman. Hindi biro ang pinagdaanan nila noon at ayaw na niyang maranasan pa ulit iyon.
"Maniwala ka, hindi ako manggugulo. Kailangan ko lang sa ngayon ng pansamantalang matutuluyan at trabaho," huminto ito at tumitig sa mga mata ni Knox, "wala akong kamag-anak. Hindi ko kilala ang pamilya ni mommy at lalong wala akong alam sa pamilya ng daddy ko. Bukod kay mommy ay kayo lang talaga ang kilala ko rito."
BINABASA MO ANG
Imperfect Castle: Wanted Queen
General FictionSkrivena University Book 3: Imperfect Castle: Wanted Queen Knox Rei Chen Life Story "If my heart gets tired and my mind insisted to let you go because my heart can't take it anymore... that is the only time that I will accept all of these. T...