Wanted Queen 3: Her Memories

505 15 5
                                    

"A man who does not have something for which he is willing to die is not fit to live."

– Martin Luther King Jr


CHAPTER 3

Nagising si Knox sa lakas ng musika na kanyang naririnig mula sa labas. Marahas siyang tumayo mula sa kama at napakamot sa ulo habang naglalakad palabas ng kanyang silid. Hinanap niya kung saan nagmumula ang malakas na musika.

Napansin niyang nagmumula iyon sa kusina kaya agad siyang tumungo roon. Malapit pa lang siya sa pupuntahan ay agad na kumunot ang kanyang noo lalo na nang may maamoy siyang ikinabahala niya.

"What the!" sigaw ni Knox. Nanlaki ang mga mata niya.

"Hi! Good morning my Prince."

Napasapo siya sa noo at mabilis na binuksan ang exhaust fan. "Vian ano ba? Marunong ka ba magluto o balak mong sunugin ang kusina ko?"

Puro usok ang bumungad kay Knox at kitang-kita niya ang nasusunog na niluluto ng dalaga. "Gawd! What do you think of me, an asshole? I can cook, Prince. I can!"

"You can? Oh common! Ano ba 'yan? Charcoal? Sobrang itim na! Nagpapatawa ka bang kaya mo?"

Hindi napigilan ni Knox na magtaas ng boses. Isa sa paborito niyang lugar sa kanyang tahanan ay ang kusina. Ayaw na ayaw niyang may nangyayaring hindi maganda rito.

"No I'm not! Sabi nila masarap daw ang toasted. 'Yun daw ang gusto mo."

"Who said that to you?"

"Sabi ni Kyler. Kaya sinusunog ko para mas masarapan ka," pagmamalaking sabi ni Aviana.

Umiling ang binata. "Nagpauto ka naman?" Hindi niya napigilang matawa nang mapakamot sa ulo ang dalaga. Marahil ay binibiro lang ito ng kanyang kaibigan ngunit naniwala naman agad ito.

Magaling si Knox magluto at mag-bake. Sa unang tingin niya pa lang kung paano humawak ng utensils si Aviana ay alam niya na agad na hindi ito marunong. Isa lang itong trying hard to know cooking methods.

Napasimangot ang dalaga at mabilis na in-off ang kalan. Lumapit ang binata sa kanya at tinitigan ito.

"Look Vian, I have a maid. Pinauwi ko lang siya para magbakasyon. Pero puwede ko na siyang pabalikin para siya na ang gagawa rito. I think cooking is not your passion. You can cook but..." Tumigil siya sa pagsasalita dahil hindi niya malaman kung ano'ng magandang sasabihin na hindi masasaktan ang dalaga.

"But what? Mali? Hindi marunong? Hindi masarap?" seryosong tanong ni Aviana.

"I'll call my maid, okay? Just leave it here. I'll be the one who'll cook our breakfast."

Tumalikod na si Knox at kinuha ang kanyang apron. Matagal-tagal din siyang hindi na nakapagluto dahil sa naging sitwasyon niya. Ngayon ay muli niyang babalikan ang bagay na malapit sa kanyang puso.

Hindi umimik si Aviana. Naupo na lang ito sa upuan at pinanuod kung paano gumalaw sa kusina ang binata.

"First thing before you cook, get and wear your apron."

Tumingin ang dalaga sa kanyang damit. Isa iyon sa hindi niya nagawa, wala siyang apron na suot.

"Second, wash your hands. In kitchen, you need to be clean. Hindi naman kailangang bagong ligo ka, pero dapat malinis ang mga kamay mo at hindi ka pinagpapawisan." Nagsasalita si Knox habang ginagawa niya ang kanyang routine. Hindi niya tinitignan si Aviana pero sigurado siyang naririnig nito ang lahat ng kanyang sinasabi.

Imperfect Castle: Wanted QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon