Chapter 12: With Him :)

618 20 1
                                    

A/N: Hii guys! Waaa sorry talaga kung ngayon nalang ulit ako nakaUD. Super naguguluhan lang talaga ako kung anong idadagdag ko dito.. tsaka nawalan pa ng net sa bahay :3 So eto na sya sa wakas! Enjoy reading ♥ :*

- - -

= Aesha's POV =

On the way na ako ngayon sa classroom, at syempre balik na ako sa dati. Suot ko na ulit yung makapal na eyeglasses ko.

Papalapit na ako sa room nang may biglang humarang saaken.

"Here comes the nerd again.. like Eww" - Britney

"Yah right! Dapat sayo umalis na dito sa school eh.. you don't belong here" - Madi

=____=

"Pero infairness girls ha! Nagmukha syang tao nung naayusan!" - Sam

Psh. Yung tatlong Epal pala 'to. =_=

[A/N: Tanda nyo pa ba sila? Sila yung tatlong babae dun sa Chapter 1 na nang-away kay Aesha. K, yun lang! Hihi XD]

"HAHAHA" Nagtawanan lang silang tatlo.

Seriously? Para silang mga timang =_=

"Pwede ba? Umalis kayo dyan sa dinadaan ko! Bwisit -.-" sabi ko sabay tulak sakanila.

"What the? Tss tara na girls.. Nasasayang yung oras natin sakanya" - Rinig kong sabi nung Britney pagkatalikod ko.

See? Mga epal talaga! -______-

"Aesha!!" Napalingon ako bigla kung saan may sumigaw ng pangalan ko.

Napangiti ako ng wala sa oras.. Ang gwapo kasi ng tumawag saken.

"Rex!!" sigaw ko sabay lapit sakanya. "Ang gwapo mo ngayon ah" Oo tama, ang gwapo talaga nya ngayon sa suot nyang Maong na polo ^_^

"Woah.. salamat haha! Kamusta ka na pala?" sasagot na sana ako ng biglang nagsalita nanaman sya.. "Sama ka saken mamaya ah? Please? Halfday lang naman yung klase natin ngayon eh" Aww nag pout pa talaga sya. Ang kyooot!

"A-Ayos naman ako.. Osige san mo ba ako dadalhin mamaya?" tanong ko.

"Basta.. basta akong bahala" sabi nya sabay ngiti. Naks nakakahawa yung ngiti nya :) Ibang-iba talaga sya sa bestfriend nya.

Teka, speaking of bestfriend.. Asan na yung BangKai na yun? -_____-++

"Ah sige.. tara na sa room?" yaya ko kay Rex.

"Sige.." - sya

-

Kanina pa ako paikot-ikot ng tingin sa room, pero wala pa rin sya. Maski si Fei wala pa din.. absent ata sila -.-

"Hinahanap mo si Kaizer no?" - Tanong bigla ni Rex, sabay upo sa tabi ko.

"Di ah! si F-Fei yung hinahanap ko.." Pagdi-deny ko kahit ang totoo eh.. si Kai naman talaga yung hinahanap ko -.-

Kainis! Ba't ko ba yun hinahanap? =_=

"Ah.. May Family Trip sila, ngayon nalng kasi ulit nagkasama-sama yung buong pamilya nila"

Ah kaya pala.. psh wala akong kasama mamaya :(

"Ganun ba?" malungkot kong sabi.

= Rex's POV =

 "Rex? San tayo pupunta?" Tanong ni Aesha habang sumisilip sa bintana ng kotse ko.

 "Basta! Ako ngang bahala diba?" Sabi ko sabay abot ng Choco Tops sakanya.

 "Para san to?"

 "Para mamaya! Kainin mo yan para may energy ka mamaya sa pupuntahan natin" Agad naman nyang binuksan yung Choco Tops sabay subo. Ang cute nya kumain, medyo makalat. XD

The Campus Nerd and Her Prince ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon