Chapter 17: Pfft! Cute ♥

284 16 9
                                    


AESHA'S POV



"Sumunod ka saakin." Aniya sabay labas ng kotse nya. Agad ko namang binuksan yung pinto ng kotse sa side ko at dali-daling lumabas.



Bwesit. Bakit ba kasi pumayag si mama na sumama ako Bangkay na'to?! At talagang nagpakita pa siya sa'kin pagkatapos niya akong 'di siputin. Ugh.


Sumunod nalang ako sakanya papasok sa.. mall? Bakit kami papasok sa mall? Nakapambahay pa ako, mukha pa namang basahan 'tong damit ko kasi kakalinis palang namin ng bahay.



"Oh. Ano pang ginagawa mo dyan? Halika na" Bahagya akong hinila ni Kaizer papasok sa loob ng mall at ramdam ko namang napatingin sakin yung mga guard at mga tao.


Ngayon lang ata sila nakakita ng tulad ko na naglakas loob pumunta ng mall ng nakapambahay lang. Psh



"Nakapambahay ka pa pala." Natatawang sabi ni Bangkay sa may gilid ko. Kaya napahinto ako dahilan para mapahinto din siya at lingunin ako.



"Kasalanan mo 'to. Tch." Sabi ko naman sabay irap sakanya.


"Maganda ka pa rin naman eh. *sabay kagat-labi* Ang sexy mo nga tignan sa pambahay mo." Sabi niya na syang ikinabigla ko naman at agad na napatingin sa suot kong pambahay na short at v-neck plain white t-shirt.


Takte! "Ano?!" Anong ikinasexy ko dito?



"W-Wala. Sabi ko bilisan mo." Nauutal na sabi nya at saka naglakad ulit.



Di nalang ako nagsalita pa at sinundan lang sya.. bwesit, naalala ko tuloy yung pakembot-kembot ko pa habang kumakanta kanina. *blush*



"We're here." Aniya na syang ikinatigil ko naman. Napatigil kami sa isang shop ng mga damit. Tinignan ko mula sa labas.



FELICE, 'yan yung karatulang nakasulat sa taas nung shop na kung titignan mo eh napakaelegante tignan ng mga damit at parang ang mamahal.



Teka anong gagawin namin dito?



"Goodmorning, Sir." Bati nung saleslady sakanya pagkapasok namin.



"Close the shop." utos ni Kaizer dun sa babae. Teka.. ANO DAW? Bakit niya pinapasara? 'Wag mong sabihin na..


"Sa inyo 'tong shop?!" gulat kong tanong.

       

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Campus Nerd and Her Prince ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon