Deux

29 1 0
                                    

~*~*~*~

Kararating ko lang sa bahay nila Shir at pagpasok ko palang ng pinto nila eh amoy na amoy yung peppermint. Ang bango talaga nun. Hilig kasi nung mama niya 'yun kaya amoy spa dito sakanila. At rinig ko na rin ang boses ni Ed Sheeran galing speaker. Favorite kasi ni Shir si Ed. Can't blame him though, Ed Sheeran's really good!

~*You and I ended over U.N.I.,

And I said that's fine,

But you're the only one that knows I lied*~

Nung nandun na ako sa may sala nila eh nakita ko siya na nakapikit pa habang ni-li-lip sync yung U.N.I.

"Kala ko ba mag-be-bake ka?" Tanong ko sakanya bago tumabi.

Tinuro niya si 'ate' na helper nila sa bahay ever since bata siya. Medyo rich kid kasi itong si Shir (parehas doctor ang parents, yung dad niya'y internist at yung mama niya ay dermatologist). Although dalawa lang naman helper nila. Si 'ate' na matagal na sakanila saka isang labandera at tiga-plantsa na minsan ay naglilinis rin. "Hindi nakabili si ate ng ingredients eh, teka, si Rima pala?"

"May lakad daw sila ni mama niya." Sagot ko sakanya.

Inakbayan niya ako (dahil tabi na kami ngayon) saka pinatong ang ulo niya sa aking balikat. Close nga kami kasi.

"Antok ka?" Ang timang nung tanong ko. Pero kung inaantok siya'y uuwi nalang ako. Ayaw ko naman na istorbohin siya't stress 'yan sa school. Malapit na kasi yung kumpetisyon ng mga banda at vocalist siya ng banda nilang Exoportion. Ewan kung bakit ganyan pangalan ng banda nila. At yung banda nila ang representative ng school namin.

"Di. Basta papatong lang," at bigla pa ako (lalo) hinigit palapit sakanya. "Ngalay leeg ko." Pinabayaan ko nalang. Nakapikit siya ngayon at napatitig lang ako sakanya. Ang kinis ng kanyang mukha. Dermatologist ang nanay kaya normal na 'yun. Medyo dry ang labi niya (kaya madalas sa school ay naka-lip balm siya). At di porket gumagamit ng lip balm ay bading na. Marami kaya lalaki ang nagamit 'nun sa panahon ngayon!

"Dry nanaman labi mo." At may pagtapik pa ako sa mukha niya. Hinawakan naman niya yung kamay ko na ginamit ko pangtapik at tinitigan ako. Ano kaya trip nito at nakikipagtitigan? Kumurap ako ng kumurap dahil ang sakit sa mata.

"Dry," ngumisi naman siya na parang buang. "Basain mo gamit labi mo, gusto mo?"

Sakto pang Kiss Me ni Ed Sheeran ang nag-pe-play.

~*Kiss me like you wanna be loved

Wanna be loved

Wanna be loved*~

Nilapit niya ang mukha niya at napapikit nalang ako. Kinakabahan ako at hindi makapag-isip ng maayos. Parang bigla nag-hang yung utak ko!

Nagulat nalang ako noong maramdaman ko mga labi niya sa tip ng ilong ko. Napabukas ang aking mga mata at nakita kong wala na siya sa harap ko. "Cr lang ako."

Napabuntong hininga ako ng malalim. Kinabahan talaga ako doon ah! Buti nalang at sa ilong lang! Nagbibiro nanaman siya. Pero subukan niya lang magbiro ng ganun sa iba, ingungudngod ko nguso niya sa lupa! Pero ano naman paki ko? Ewan! Basta. At least ako, alam kong joke lemeng iyen. Baka iba ang maging pagkaiintindi ng iba. Pero ano ngang paki ko doon? Ewan, basta dapat ay hindi niya iyon gawin sa iba!

Pagdating niya galing cr eh iba na rin damit niya. Nakapang-alis na siya.

"Layas tayo?" tanong niya. Tumango ako. Wala naman kaming gagawin dito sa bahay nila.

Pinatay muna niya yung sound trip niya kanina bago kami lumabas ng kanilang bahay.

"Tarang mag-jeep nalang..?" Yaya ko. Alam kong balak niya gamitin yung car ng mama niya diyan eh. Eh kahit alam kong maalam siya mag-drive, natatakot pa rin ako. Hindi dahil baka mapahamak ako--o kami dahil sakanya kundi dahil baka may hindi matinong driver sa kalsada. Mahirap na mag-take ng risk 'di ba?

"Eh...?" Alam kong aayaw pa 'yan pero hinili ko na yung kamay niya palabas ng gate nila. Mahaba-haba lalakarin namin palabas ng village nila kaya mabuti at naka-flats ako.

"Huwag ka na mag-da-drive hangga't wala ka pa lisensiya." Isa pa 'yun sa pinag-aalala ko. Eh kung mahuli siya 'di ba?

Umiling siya at dumila pa. "Ayaw," saka umakbay saakin. "Pero worried ka 'no?"

Hindi ko alam kung bakit parang nagulat ako sa tanong niya. Ba't pa ako magugulat kung matagal ko ng alam na nag-aalala nga ako sakanya, hindi ba? "Oo naman." At pagkasabi ko nun ay hinarap ko siya. Ewan kung bakit mapula ang tainga.

"Ina-allergy ka ba?" Kinakabahan kong tanong sakanya. Hindi ako maalam mag-handle ng taong may ina-allergy!

"H..huh?" Nagtatakang tanong niya. Napansin ko rin medyo mapula ang pisngi niya. Hinawakan ko pa nga eh.

"Mapula tainga at pisngi mo! Ano kinain mo? Tara at umuwi!" Iikot na sana ako para maglakad pabalik ng bahay nila pero pinigilan niya ako.

"Wala!" He snapped. "An..ano, wala. 'Wag mo pansinin 'yan." At lalo pang namula!

"Ewan ko sa'yo. Balik tayo!"

"Hindi na. Kulit naman nito. Hindi ako ina-allergy," hinawakan naman niya yung tainga niya.

"Eh ba't ka mapula, hindi naman mainit!"

"Eh ganyan talaga. Basta, tara na." at hinila na niya ako at naglakad ng mabilis ng kaunti hanggang sa makalabas kami ng village nila at makasakay ng jeep.

"Dal'wa pong SM," saka ko pinaabot sa lalaking katabi ko na ang weird ng disguise at naka-jeep lang eh may headphones pa. Koya wala ka sa eroplano! Mamaya manakaw pa iPod niya eh (nakalabas kasi at naghahanap yata ng kanta). Pero mukha siyang pogi. Lol.

"Ako nalang magbabayad pamasahe mo pauwi," sabi ni Shir kaya tumango ako. Ako kasi nagbayad at wala siyang barya.

Pasimpleng sulyap naman ako sa katabi ko. Kahit weird ng getup niya eh mukha talaga siyang kyot. At huwag niyo sasabihing ang "landi" ko. Pwe. Kahit ikaw naman siguro minsan 'di maiiwasang mapatingin kapag may cute sa jeep.

Specially kung yung cute ay agaw pansin. Agaw pansin dahil sa porma niya. Ano, artista lang? Eh ba't nag-jeep? Eh bawal ba mag-jeep ang artista? Hindi naman. Unusual lang kasi sa mga artistang pinoy. Ugh, maarte (?) sila. Yata.

"Tindi maka-sulyap ah," bulong saakin ni Shir kaya hinarap ko siya. Wrong move, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya aking iniwas kaagad ang mukha. Jusko, pangalawang beses na ito ngayong araw! "Bad 'yun."

"Ugh, so? Ano kung bad? Hindi naman ikaw, ako."

"Bad kasi nakasasama sa kalusugan ko."

"Ha?"

"Wala, wala. Sabi ko nga eh, puno ka ng anesthesia sa katawan." Paano naman kaya ako naging puno ng anesthesia? Weird talaga ang mga lalaki. Bahala nga siya, ayaw ko na magtanong.

~*~*~*~

Chère [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon