Quatre

24 0 0
                                    

~*~*~*~

Few guys asked me to dance. Ayos naman. Kanina pa ako sumasayaw so I decided to take a break. 'Dun sa cotillion? Nothing much happened. Practices.. medyo awkward lang. Umiiwas yata siya. O ako. I don't know what to feel. I don't know how to react.

If you're asking kung sinayaw na niya ako, nope. Not. Hindi pa. I don't think may balak siya.

Nung maisipan kong lumayo at magpunta sa parking area, konti lang ang tao. Tulad ng sabi ng presidente namin, sa ground ginanap ang prom. First time actually. Maganda ang setup kumpara sa mga nakaraang prom. Rich kids ang student government officials. No wonder. At kung bakit ako pumunta sa parking area, hindi kasi ako makahinga ng maayos doon sa mismong venue ng prom.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makahinga. Hindi dahil sa literal akong hindi makahinga. Yung isip ko, parang nahihirapang mag-function at masiyadong maraming tao. Kahit seniors' ball lang itong amin, idagdag mo 'yung date ng iba na outsiders, marami talaga.

At saka masiyadong pormal. I hate formal stuffs. Nakakairita. I may seem like that type of person pero hindi. Hindi ako pormal na tao. Easy go lucky ako. Free spirited. I'd rather do things in my way--which is the easiest way--I hate following etiquettes. Hindi nga ako kapatid ni Maria Clara. Huwag kayo maniwala sa sinabi ko nung una.

Kaya siguro pakiramdam ko hindi ako makahinga.

Kahit babaeng-babae ako, kahit excited ako sa prom, hindi pa rin nawawala saakin kung sino talaga ako. At ako ang babaeng medyo naiirita sa ganyan. O naiirita talaga sa ganyan. Lighting of candles, ugh, whatever. Kung anu-ano pang arte.

Gusto ko na ayaw. Magulo. Tulad ko. Ewan, ganito talaga ako eh.

By now alam kong hinahanap na ako ni Rima pero bahala siya. Dito lang muna ako hanggang sa bumalik yung mood ko para sa party.

Naupo sa hood ng kotse nila Rima. Siya lang ang nag-drive saaming dalawa dito. Loka-loka 'yun eh.

"Is it okay na maupo ang babaeng naka-gown sa hood ng kotse?" Biglang may nagsalita sa may bandang likod ko kaya medyo nagulat pa ako. Base sa boses, lalaki. Hindi ko nga masiyadong maaninag ang itsura dahil madilim. May night blindness ako sa totoo lang. Pero hindi pa naman malala. May kalayuan din siya saakin at doon siya sa madilim na parte.

Feeling ko naupo siya sa may hood din ng isang kotse pero hindi na ako lumapit pa. Madilim na talaga doon sa pinag-pwestuhan niya.

"Who cares," walang gana kong sagot. "Wala naman mali." sagot ko nalang at hindi na siya umimik pa. Gusto ko sana lumapit para may kausap man lang ako pero feeling ko ayaw niyang lumapit ako. Ugh. Feeling ko lang naman pero natatakot pa rin ako. So never mind. Saka malay ko ba kung sino 'yan. Hindi nga pamilyar ang boses eh.

"Student ka dito?"

"Malamang. Kaya nga nandito ako eh." pabalang kong sagot.

"Hindi naman lahat ng nandito estudyante dito."

"Bakit ikaw, hindi ba?"

"Nah, sinamahan ko lang kapatid ko."

"Ah." wala na kasi akong masabi. Minsan feeling ko wala akong kwentang kausap.

Nanahimik nalang kami parehas. Mukha naman harmless yung lalaki. Pero hindi pa rin ako lalapit. Asa siya. Ang dilim kaya talaga doon sa pwesto niya. Silhouette nga lang niya ang kita ko. And I think hindi talaga siya estudyante dito. Mukha namang hindi siya naka-tux. At mukha nga lang talagang sinamahan niya ang kapatid niya.

"Matanda ka na ba?" Obvious naman siguro na para sakanya yung tanong ko. Nakaharap ako sakanya kahit hindi ko talaga siya masiyadong makita.

"Grabe ka naman, first year college pa lang ako."

"Matanda ka pa rin saakin."

"Sabi mo eh," ganun? "Nilalamig ka ba?"

Saabihin ko sanang hindi pero ba't naman ako magsisinungaling. Pebrero ngayon at malakas at malamig ang hangin. "Oo, bakit?"

Nagulat nalang ako ng tumayo siya. Akala ko lalapit siya pero may hinagis siya at tumama pa talaga sa mukha ko.

"Ano 'to?"

"Hoodie. Ano pa ba?"

"Para saan?"

"Niloloko mo ba ako miss? Sabi mo nilalamig ka."

"Ah, pero hindi naman kailangan nito." Pero hindi niya ako pinansin at nanahimik nalang sa pwesto niya.

But hey! Ang galing niya ah, napaabot niya yung hoodie hanggang dito sa pwesto ko? Cool.

"Krystal!" Nilingon ko naman yung tumawag saakin. Si Shir pala.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah, wala. Nag-re-relax lang." Tumango nalang siya hanggang sa napansin niya yung hawak ko. Hindi ko na pala nagamit.

"Kanino 'yan?"

"Ah...?" nilingon ko naman yung lalaki pero wala na siya doon. Wah, don't tell me multo 'yun? Pero duh, hawak ko nga hoodie niya eh. Ang bango pa. Hindi masakit sa ilong dahil sweet na sweet yung amoy. Sweet na amoy ng lalaki. Basta ganun. "Wala. Tara." at niyaya ko na siya.

Nawala yung lalaki kanina at ewan ko kung paano ko isasauli itong hoodie niya. Binitbit ko nalang tuloy.

~*~*~*~

Maikli? Maikli naman lahat eh. Haha. Pero may kasunod pa itong sa prom nila. Pwede ba naman echapwera ang prom? Hindi! (Pero inichapwera ko lang yung prom namin). Lewls. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chère [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon