Imperfectly Made for the Demonyo

47 1 0
                                    

Prologue

I was looking at myself in the mirror at the moment. Eto talaga ang tinatawag nilang "gandang di mo inakala". LITERALLY!

Ang taba taba ko, ang gaspang ng balat ko, ang pimples ko bumubuo ng sariling mapa, buhaghag pa ang buhok ko, dagdagan pa ng eyeglasses na tinalo ang dictionary sa kapal. Tapos sinasabi sa akin ng magulang ko ng maganda ako? Sinong mag aakala na maganda ako sa itsura kong ito? Sinong mag-aakala na maganda pala ang tawag sa taong katulad ko?

Ohdiba! Isa akong perfect example ng GANDANG HINDI MO INAKALA. Tangina saklap ng buhay ko.

Pero kahit pangit man ako sa letche nyong paningin, di na ako papayag na apihin ako. Pake ko kung panget ako? Ganun din naman kayo kaya patas lang. Pero tangina lang talaga! Nagbabago na ako saka pa ako makakakilala ng lalaking walang kasing sama?!

Ako si Rogue Celestia. (Oo, sosyal ng pangalan ko. Pangalan lang...) At ito ang storya ng buhay kong walang saysay dahil panget ako. Bow.

Imperfectly Made for the DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon